chapter five

2251 Words
Hindi na namin namalayan ni Russel kung anong oras na kaming nakatulog. Pero sa natatandaan ko pa ay hinatid pa niya ako sa kuwarto. Gumaan ang pakiramdam ko na naishare niya sa akin ang dahilan kung bakit siya nagrerebelde—dahil sa kaniyang ama, na inaakala niya ay walang pakialam sa kaniya. Kung mabibigyan lang din ako ng pagkakataon para makausap ko ang tatay na si Sir Damien Ho, malalaman ko din kung ano ang side niya. Kung ano din ang dahilan niya. Kung talaga bang anak na lalaki ang habol niya, kung talagang nawalan siya ng amor sa kaniyang unang asawa na si Madame Victoria, kung minahal naman niya ang second wife niya. Pero kahit ganoon, ay gumaan ang pakiramdam ko. Sana ay ganoon din si Russel. Nagpasalamat pa ako sa kaniya dahil inabala ko pa para gawan niya ako ng pares. Nagising ako ay alas onse na ng umaga. Napasarap yata ako ng tulog. At isa pa, pakiramdam ko ay ang ganda-ganda ng umaga ko. Nagpasya kong maligo at magbihis bago ako umalis ng guest room. Hindi mabura sa mga labi ko ang tuwa habang naglalakad ako sa hallway ng mansyon na ito. May mga nakasalubong naman akong kasambahay. Sinasabi nila sa akin na sadyang hindi nila ako ginising dahil ang bilin daw sa kanila ni Russel ay mga ganitong oras ako magigising dahil anong oras na din kami nakatulog. Speaking, nasaan na ba ang isang iyon? "Ah, si Russel po?" hindi ko mapigilang itanong sa isa sa mga kasambahay. "Ay, umalis po si Sir Russel, Miss Jelly. Hindi nga lang po niya sinabi kung saan po siya pupunta. Basta, ang sabi po niya, may kikitain lang daw po siya." sagot niya nang itinigil niya ang kaniyang ginagawa na paglilinis sa mga bintana. "Ang bilin pa po niya, may natira pa naman daw pong pares na niluto niya, ininit na daw po niya iyon para daw makakain na po kayo." Hindi ko alam, kahit mababaw para sa akin nang marinig ko iyon mula sa kaniya ay iyon pa ang naging dahilan para mapangiti ako. "Salamat po..." nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang Kusina. Wala akong nadatnan na kung sino doon. Pero napukaw ng aking atensyon ang isang mangkok na nakapatong lang sa kitchen counter. Hindi ako nag-atubili na lapitan iyon. Nang tinanggalin ko ang nakatakip ay mas lumapad ang ngiti ko dahil mainit-init pa ito. Dahil sa naeexcite ako kumain nito ay hinawakan ko ito saka ilipitan sa dining table. Kumuha din ako ng kutsara para makapag-almusal na. Mas lalo sumasarap ang pares sa panlasa ko. Nakakatuwa lang dahil mabuti nalang ay may natira pa sa niluto niya. Pagkatapos kong kumain ay ako na ang naghugas ng pinakainan ko. Tapos ay nagpasya naman akong pumunta sa Hardin para maghangin at magpababa naman ng kinain. Hinihimas ko ang aking tyan. "Ang sarap talaga magluto ni daddy mo, ano, anak? Hindi nakakasawa." sabi ko saka umupo ako sa bench. Ang lawak ng bakuran nila. Marahil, kapag may okasyon ang pamilyang Hochengco, dito sila nagseset up para sa party o kung anuman. "Pero, saan talaga siya nagpunta?" Maya maya pa ay lumapit sa akin si manang na may dalang cellphone. Tarantada siyang lumapit sa akin. Binigyan ko siya ng pagtatakang tingin. "Bakit po, manang?" tanong ko pero nanatili pa rin akong nakaupo sa bench. "Si Sir Russel po nasa kabilang linya. Hindi daw po niya matawagan ang cellphone ninyo." sabay abot niya sa akin ang kaniyang cellphone. Tinangap ko iyon saka nagpasalamat kay Manang bago ko idinikit ang telepono sa aking tainga. "Russel?" "Hindi mo sinasagot ang tawag ko." seryoso niyang bungad sa akin. "Naiwan ko kasi sa guest room ang cellphone ko. Dumiretso na ako dito sa baba pagkatapos kong maligo at magbihis." malumanay kong tugon. "Nagbreakfast ka na ba?" sunod niyang tanong. "Ah... Kakatapos ko lang kumin. Teka, nasaan ka pala?" "I'm here at Dasma, may pinupuntahan akong school." sagot niya. "May kakausapin lang ako, kung pupwede ka pang humabol para mag-enroll." Natigilan ako sa sinabi niya. Kaya siya umalis para inenroll niya ako? Seryoso ba siya? "R-Russel..." wala ako makapang salita, maliban nalang sa kaniyang pangalan. "Kasalan ko kung bakit nailagay kita sa ganitong sitwasyon, Jelly. You are now my responsibility. Napag-usapan na nating pananagutan kita." mas sumeryoso ang kaniyang boses. "Pero..." "Kailangan mong tapusin ang pag-aaral mo, Jelly. Hinding puwedeng hindi. Alam kong marami ka pang pangarap. Kahit sagot ko na ang lahat ng pangangailangan mo at ng magiging anak natin, walang kaso 'yon sa akin. Dahil ang tatay, magiging asawa mo ako. Ang tanging gawin mo lang, mag-aral ka ng mabuti para sa kinabukasan mo." Kinagat ko ang aking labi. Pinipigilan ko ang sarili ko na maiyak. Naiiyak ako dahil tila hinahaplos ang puso ko sa mga narinig ko mula sa kaniya. "Kahit hindi ko hinihiling ito, Russel... Hindi ko alam kung papaano ako magpapasalamat..." halos mabasag na ang boses ko. Ramdam ko nalang na may mainit na likido na umaagos sa aking pisngi. "Diploma lang, sapat na iyon, Jelly." nahihimigan ko ang kasiyahan sa boses niya. "At malusog na anak lang, kontento na ako." "Russel..." impit kong iyak. "Don't cry, uuwi din ako mamaya. May gusto ka bang pasalubong? Pares?" Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. "Gusto kita makita..." hindi ko mapigilang sabihin iyon. Wait, hindi kaya nacarried away lang ako?! s**t, baka umiba ang tingin ni Russel dahil sa sinabi ko! Wala akong marinig mula sa kaniya. Bumilis ang kabog ng aking dibdib dahil sa kaba. Na baka dahil sa sinabi ko, magalit siya dahil sa pagiging wirdo ko na! "Don't worry, magkikita din tayo mamaya. I assure you." bigla niyang sabi. Pero wala naman akong naramdaman na galit o iritasyon sa boses niya. "Bago maggabi ako makakauwi, kakausapin ko din sina Kal at Vaughn ahia. Is that okay?" masuyo niyang sambit. I thinned my lips for seconds and nod, kahit bigo niya makita iyon. "Okay..." I agreed. "If you got bored, you can watch movies in Entertainment Room. And please, be prepare tonight, wear some dress and flat shoes/. May mga bisita tayo mamaya. Oh, ipapadala ko nalang siguro d'yan mga isusuot mo ngayong hapon." "O-okay..." Hanggang sa nagpaalam na kami sa pamamagitan ng tawag. Ibinalik ko kay Manang ang kaniyiang telepono. Muli ako nagpasalamat sa kaniya. Tinanong pa niya kung bakit ako umiiyak. Sinabi ko lang ay wala at baka inaatake na naman ako ng hormones ko. Pagkatapos ay hindi na niya ako kinulit pa. Nagpaturo ako sa kaniya kung saan ang daan papuntang Entertainment Room. Sinamahan ako ni Manang papunta doon. Hindi ko na naman mapigilang mamangha nang tumuntong ang mga paa ko sa malawak na silid. Halos kompleto ang mga gamit dito sa Entertainment Room. Medyo dim ang ilaw dito. Mayroon pang billiard pool sa gitna ng silid na ito. May bar counter pa at mga leather high stool, hindi ko rin alam na may home theater pa dito! May mga iba't ibang portrait din na nakasabit sa dingding ng silid na ito. Ang sosyal talaga tingnan! "Ano pong gusto ninyong panoorin Miss Jelly?" tanong sa akin ni Manang. Ngumuso ako habang naghahanap kami kung ano bang pupuwedeng panoorin. Mahilig kasi ako sa Romance. Bumaling ako sa kasama ko na nakangiti. "Ako na po ang bahala, Manang. Magiging okay din po ako dito." "S-sigurado po ba kayo, Miss Jelly?" bahid sa kaniyang boses ang pag-aalanganin. "Opo." Wala na siyang magawa kungdi iwan niya ako dito sa silid. May isang lumang pelikula ang umagaw ang aking atensyon. Breakfast at Tiffany's? Hindi ako nagdalawang-isip na panoorin ko iyon. Pineplay ko siya at umupo. Ewan ko ba, naeexcite ako na mapanood ko ang pelikula na iyon. Lalo na't ang ganda-ganda ng bidang babae. She is the only person who can wear jeans, a sweater and a towel in her hair and still look classy! Wow. Lalo na ang boses niya, ang ganda, para hinehelele ako... Na dahilan para hilahin ako ng antok... ** "Jelly? Wake up..." Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Sa una ay medyo nanlalabo ang mga mata ko hanggang sa unti-unti na itong lumilinaw. Mukha ni Russel ang tumambad sa akin. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. "Russel..." "Nakatulog ka dito..." malumanay niyang sambit. "Are you okay? Inatake ka ba ulit ng hormones mo?" Bahagya akong gumalaw at kinusot ang aking mga mata. "Hindi ko namalayan na nakatulog ako." namamaos kong tugon. "Sorry..." "It's okay." he said in a small voice. "Your dress is ready waiting for her owner." then he curved a smile up. At walang sabi na bigla niya akong binuhat na animo'y bagong kasal! Napatili ako sa ginawa niya. "Let me carry you." Nagtama ang mga tingin namin sa isa't isa. Ngayon ko lang siya nasilayan nang ganito kalapit. Hindi ko mapigilang mapalunok. Ang sabi niya, kapag buntis, nag-iiba ang pang-amoy, pero bakit para sa akin, ang bango pa rin niya? Lalaking lalaki, eh. Hindi ba gumagana ang hormones ko pagdating sa kaniya o sadya lang dahil sa kaniyang pabango? Hindi lang iyon ang napansin ko, ang guwapo pala niya. Lalo na't bagsak ang buhok niya. Palagi ko kasi siya nakikita na nakabrush up ang buhok niya. "You okay?" he gently asked. Tila nanumbalik ang ulirat ko sa tanong niya. I choose to looked away. "O-okay lang..." shocks, bakit nauutal ako ngayon? May naghihintay pala na make up artist sa guest room. Panay sorry ko naman kasi naghintay nang matagal sa akin. Lumabas si Russel dahil maghahanda din daw siya. Tinawagan na din niya ang mga cook para daw magluto dahil ang sabi niya sa akin kanina, espesyal daw ang gabi ngayon. Inayusan ako saka binihisan na ng bestida na binili ni Russel. Halos hindi ko na din kilala ang sarili ko. Pagkatapos akong ayusan ay sinundo na ako ni Russel dito sa silid dahil sabay na daw kami bababa para salubungin daw ang mga inaasahan na bisita. Pumayag naman ako. Siya mismo ag humawak sa isa kong kamay at inilagay niya iyon sa kaniyang braso. Pagtuntong namin sa huling baitang ng grand staircase ay kusang nagbukas ang malaking pinto sa entrahada ng mansyon. Umaawang ang bibig ko nang tumambad sa amin ang pamilya Hochengco! Maliban nalang sa mga anak nila. Tulad ko ay naka-formal attire din sila, pero kita ko pa rin sa mukha nila ang pagtataka. "Good evening po..." nahihiya kong bati sa mga bisita. "Oh! Good evening, iha!" lumapit sa amin si Madame Miranda para makipagbeso-beso sa akin pati na din kay Russel. "Hindi namin inaasahan na iimbitahan mo kami, anak. We're wondering kung anong meron at ipinatawag mo kami." "Bago ko sasabihin, ang mabuti pa sa Dining Area muna tayo." pormal at seryosong sagot ni Russel sa kaniyang ina. Sumunod na din ang mga pinsan niya. Naka-set na din ang mga pagkain sa mahabang dining table. Umupo na kami. Pero napapansin ko kung bakit wala ang kaniyang ama niya dito? Anong nangyayari? Minsan lang mag-aya ng dinner si Russel... "What is it, Russel?" seryosong tanong ni Sir Keiran sa kaniyang kapatid. Seryosong tumingin sa kanila si Russel. Ako naman ay nakatingin sa kaniya, nag-aabang kaming lahat sa anumang sasabihin niya. "You know me as a black sheep of this family. Alam kong marami akong ginawang kalokohan at iyon ay maging dahilan para sumakit ang ulo ninyo. Ilang beses ninyo na akong pinapaalalahan tungkol sa buhay, na kinakailangan ko nang umusad at habang may oras pa ako, magbago na ako hangga't hindi pa ako nagsisisi sa huli." pormal niyang sabi. Seryoso siyang tumingin sa kaniyang kuya. Mataimtim silang nagpalitan ng tingin. "And Keiran ahia is right. I need to be a man and be a father of my future child at Jelly's womb. He or she deserved to live and enjoy life at the fullest." "R-Russel..." si Madame Miranda na napasapo sa kaniyang bibig, na parang maiiyak na. "Pinatawag ko kayo para sa sabihin ko sa inyo, papakasalan ko si Jelly. Walang problema sa akin kung saan ninyo kami ipapakasal, if you don't know, I've got financial stable, makakabuhay ako ng pamilya. And thanks to Kal and Vaughn ahia to help me, na maitayo ko ang bahay na para sa magiging pamilya ko balang araw." bumaling siya sa akin at ngumiti. "And I think Jelly would deserved everything I have. And probably, she and our future kids will be my everything..." "Oh my God." bulalas ng mga kapatid niyang sina Carys at Nemesis, pati ang pinsan pa nilang Fae. Ngumiti sa kanila si Russel. "I know all of you waited for this changes for so long. Especially you, kuya. Hindi mo ako sinukuan kahit noong bata pa ako." saka tumayo siya't nagbow sa direksyon kung nasaan ang kaniyang kuya. "Hindi man ako perpektong kapatid pero sisikapin ko na maging katulad mo, maging isang responsableng ama at asawa. Dahil mataas ang respeto ko sa iyo, kuya." Halos hindi ako makahinga sa tagpong ito. Napatingin ako kay Sir Keiran na ngayon ay namumula na ang mga mata. Alam kong gusto niyang umiyak peor pinipigilan niya lang. Tumayo siya st nilapitan niya si Russel at binigyan niya ito ng yakap. Tinapik pa niya ang likod ni Russel. "Thank you, Russel." basag ang boses ni Sir Keiran nang sambitin niyia iyon. "Kapatid kita, ayokong mapunta ka sa maling landas. Kahit sina Vlad, Archie, Finn, Suther, Harris, Ka, Vaughn, even Mikhail, we cared for you. Dahil ikaw ang pinakabunso sa atin. Hindi lang ako ang kuya mo, maski sila, itinuturing ka nilang kapatid." "Salamat dahil hindi ninyo ako sinukuan." Kumalas na sila ng yakap sa isa't isa. "Because you're a Ho." biglang nagsalita si Sir Finlay. Sumilay ang ngiti sa mga labi nito. "You really deserved it, Russel." "Kailan ninyo pala balak magpakasal?" nakangiting tanong ni Sir Archie. "Bago ang kasal, gusto kong hingin ang kamay ni Jelly sa pamilya niya." "That's the best you can do, Russel." wika ni Sir Keiran saka tinapik niya ang isang balikat ng kaniyang kapatid. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD