Isang linggo akong inalagaan nila Manang Tina at Senyor Santiago. Wala na rin akong balita kung nahuli ba yung demonyong gumawa ng kasamaan sa akin. Inililihim ng Senyor Santiago at ni Manang Tina. Sa isang kwarto sa mansyon ako nanatili, gusto ko ngang umuwi na lang sa bahay namin pero hindi nila ako pinapayagan. Nakalalabas naman ako sa kwarto at tumutulong sa gawaing-bahay. Kung minsan ay sinasama ako ni Manang Tina sa palengke, pero tuwing naroon ako ay kinikilabutan ako. Pakiramdam ko kasi ay may nakatingin sa akin. Nadala ko ang takot na iyon na kung minsan ay umiiyak ako kapag naaalala ko yung ginawa ng hayop na iyon sa akin. "Gusto mo bang mag-aral, Chari?" tanong ng Senyor Santiago sa akin, isang umaga pagkalipas ng ilang buwang pananatili ko sa mansyon. Summer na at ilan

