Mahirap para sa akin ang magpatuloy pa sa buhay. Lagi na lang ay inuusig ako ng mga tingin ng mga tao. Akala talaga nila ay may relasyon ang Tatay at Senyora Tamara, kaya parehas na namatay ang mga iyon sa aksidente. Dalawang buwan pagkalipas na mawala ang Tatay at Senyora Tamara pati na rin ang pag-alis ni Sebastian, ay sinubukan ko ulit humanap ng mapapasukan. Hindi na kasi ako ulit kinuha ni Manang Nora. Ayaw man niya akong paalisin ay nababawasan ang costumers niya sa carinderia dahil nakikita ako ng mga tao doon. Naiintindihan ko naman na negosyo ang pangunahing rason niya. Pinagtatanggol pa nga niya ako sa ilang mga kumakain doon. "Pasensya ka na talaga, Chari. Kung kaya ko lang din talaga kumuha ng kasambahay ngayon ay ginawa ko na. Maliit lang naman ang bahay namin at nagagawa

