Pag-e-empake ng gamit ni Sebastian ang pinagkaabalahan ko ng mga sumunod na araw. Busy kasi ito sa pakikipag-usap sa kliyente nito. Aalis na kasi siya sa Linggo at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasabi sa kanya na gusto kong umuwi sa bahay. He entered his room after his last call for the night, nakasalampak ako sa sahig naman dahil tinutupi ko ang mga damit niya. Natapos na rin akong maligo at hinihintay ko na lang siya para makatulog kami. I looked up at him, halata ang pagod sa mukha nito pero ngumiti pa rin ito pagkakita sa akin. "Ako na sana diyan," aniya. "Wala naman akong ginagawa tsaka para wala ka ng iisipin pa na gagawin," sabi ko sa kanya. "Kaya ko namang gawing yan," aniya pa. "Ayos nga lang tsaka wala naman talaga akong gagawin, Seb." sagot ko pa habang inilalagay

