Tahimik na nagdarasal si Sebastian sa tabi ko habang nakaharap sa puntod ng mga magulang ko. We bought flowers and candles for them kaya pagdating namin ay iyon kaagad ang inasikaso naming dalawa. He turned to me after he prayed, inabot din niya ang kamay ko at hinawakan iyon. "Huwag po kayo mag-alala at aalagaan ko po ang anak ninyo, Nay at Tay." usal niya pagakatapos ay humarap ulit sa puntod. Nay at Tay Ang sarap pakinggan mula sa kanya na ganun ang tawag niya sa mga magulang ko. I smiled dahil sa simpleng salita na iyon. Alam ko naman na malaki ang tiwala sa kanya ng mga magulang ko na aalagaan niya ako. Walang duda sa parteng iyon. Ilang sandali pa ay hinila niya ako para maakbayan. Dahil hindi komportable ay inilagay ko ang kamay ko sa likuran niya. "Mauuna na po kami, Nay a

