WALANG-GATOL na itinulak ni Thess ang kanyang matipunong dibdib. Kasabay niyo'n ay ang isang malakas na sampal sa kabila niyang pisngi. Awtomatikong umigting ang kanyang mga panga. "Dāmn you!" Galit na singhal sa kanya ni Thess. Inis na umalis ito sa kanyang kama at dumiretso sa sariling silid nito. Sapo ang nasaktan niyang pisngi sabay haplos dito. "At talagang pinatagal pa niya bago niya ako sinampal?" inis niyang tugon sa sarili. Mula sa sariling kama ay bumalikwas siya ng bangon. Hinubad niya ang suot na polo white shirt at pantalon. Mula sa malahiganteng wardrobe kay kumuha siya ng white towel, at dumiretso sa sariling banyo. Ilang minuto rin ang lumipas ng lumabas siya sa banyo. Kasalukuyang nakatakip ang white towel sa kanyang bandang balakang ng biglang bumukas ang pinto ni

