Kabanata 44

1051 Words

"KANINA ko pa kinontak si Rusty pero hindi naman niya sinasagot ang cellphone," saad niya kay Thess. "Baka busy lang. Hayaan mo na lang at siguradong tatawagan ka no'n mamaya. Hindi tayo pwedeng ma-late ngayon, alam mo namang engagement party natin," ani Thess sa kanya. Aaminin niyang napakaganda nito sa suot nitong simple white dress, lutang ang tingkad ng ganda nitong tinataglay. Kaya lang, na hati ang kanyang atensyon sa dalawang babae. Una kay Thess, pangalawa kay Rusty na magpahanggang ngayon ay hindi sinasagot ang kanyang tawag. "How about, Pennie? Siya kaya ang tawagan mo," suhestiyon ni Thess sa kanya. "Yeah, may pakinabang ka rin kahit minsan," birong tugon niya kay Thess. Umirap lang ito sa sinabi niya. Sumilay ang pilyong ngiti sa kanyang mga labi. "Kidding," tugon niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD