KANINA pa siya gutom pero nang nasa harapan na niya ang masasarap na pagkain na in-order ni Tyler ay tila bigla siyang nawalan ng gana. Naiinis siya sa sarili. "I noticed that you didn't eat much. Don't you like the food here? We can go to another restaurant if you prefer," pansin ni Tyler sa kanya. "No, okay na ako rito. Nakakahiya naman sa'yo. Sadyang biglang nawalan lang ako ng gana." "What is the reason behind it?" Nagpakawala siya ng isang marahas na buntong-hininga sa tanong na iyon ni Tyler Cheng. "Nothing," sagot niya rito. Basta ang alam niya nahihirapan siya. Lalo na ang kanyang puso. "Are you thinking about Zavier?" tanong ni Tyler sa kanya. "Sinungaling ako kung itatanggi ko." "If you don't want to be hurt by your own emotions, would you allow me to help you remove Z

