INIPON niya ang kanyang buong-lakas para itulak si Zavier pero hindi pa rin siya nagtagumpay. Unti-unti na siyang nadadala sa mainit nitong halik at ang init ng katawan nito na ngayo'y naka-dikit sa kanyang malambot na katawan. Hanggang sa tuluyan na nga siyang bumigay. Hinayaan niyang pasukin ng dila ni Zavier ang kanyang bibig. Mas lalong naging mas mapusok ang halik nito. Ngunit nang maramdaman niya ang isang palad ni Zavier na ngayo'y dahan-dahang pumasok sa kanyang blouse at hinimas ang kanyang kaliwang dibdib ay agad siyang na alarma. Walang-hirap na naitulak niya ito dahil sa gulat. Lihim naman siyang nagpasalamat at nagtagumpay siya. Kapwa nila hinahabol ang kanilang mga hininga. "Why did you push me?" Inis na tanong ni Zavier sa kanya. "Hindi ito tama," seryosong sagot

