"THESS, halika rito sa loob." Napalingon si Thess sa taong tumawag sa kanya, walang iba kundi si Rusty. Sumilay ang tipid na ngiti sa kanyang mga labi. "Okay lang naman ako rito. Gusto ko lang kayong bigyan ng privacy." "Nagluluto si Zavier ng paborito naming Sinigang na baboy," nakangiting tugon sa kanya ni Rusty. Aaminin niya nang una'y akala niya mataray si Rusty. Pero nagkamali pala siya. Napansin niyang mahinhin ito, mukha lang itong mataray. "Alam mo ba kung bakit ako biglang nawala na parang bula sa buhay ni Zavier?" Humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga nang umupo si Rusty sa katapat niyang upuan. "Go'on at makikinig ako," aniya rito. "Actually, walang alam si Zavier dito. At gusto kong sa'yo ito sabihin. Wala akong lakas na loob para sabihin sa kanya ang totoo,

