"O, KANINA ka pa seryoso magmula ng dumating kayo rito ni Mr. Clinton. May L.Q. ba kayo? Gosh, alam mo bang kausap ko lang ang isang ka-employee natin kanina lang? Mainit daw ang ulo ni sir," palatak sa kanya ni Trixie. "Ewan ko don, wala akong alam sa beast mood ng amo natin. Hayaan niyo siya. Kung sakaling sobra na iyang pagiging monster mood niya, aba, kung ako ang employee pagagalitan ko siya. Hump, hindi na baleng masisante ako sa trabaho. Kung hindi man lang marunong i-lugar ang pagiging bugnutin. Bigyan niya i-kamo ng justice ang pagiging beast mood niya," palatak niya habang nagta-type sa keyboard ng kanyang laptop. Sa ngayon busy siya sa ilang mga editing na kailangan niyang i-edit. Tambak din kasi siya sa ilang mga trabaho, at goal niyang matapos agad ang lahat na walang proble

