"SA TINGIN mo kaya magtagumpay tayo sa plano nating iyon, Pennie?" tanong ni Rusty sa kaibigan. "Yeah, at sigurado akong magtataka si Thess kung sakali man. Paano kung palayasin siya ni Zavier?" "Hindi naman siguro mangyayari 'yan," aniya sa kaibigan. "Sige na, isuot mo na itong lead apron. Para maipasok na kita sa linear acceleration," ani Pennie sa kanya. "Siguro naman masaya ka na dahil tumupad na ako sa usapan natin," nakangiting tugon niya sa kaibigan. "Sobrang saya, dahil hindi na matigas ang ulo mo. Bilang kaibigan mo hangad ko pa rin ang health mo, Rusty. Bakit naman kasi ayaw mo pang sabihin kay Zavier ang totoo. Nagawa mo na namang magsinungaling sa kanya." "I have to, alam mo namang hindi ko kayang makitang nasasaktan ang taong mahal ko. Hindi na baleng ako ang masakta

