Ngumiti si Faeleen bago sumagot, ang buong akala ni Holland ay papayag na 'to pero hindi pala.
"Pasensya na po kayo sir, hindi ako nakikipag-table isa lamang akong waitress dito." Magalang pa rin na sagot ni Faeleen napatango naman si Holland, ang pagkakaalam niya'y nakikitable rin yung ibang waitress.
"Order pa ako ng isang bote ng alak." Habol niya sa dalaga bago tuluyang makalabas, huminga ng malalim si Faeleen kahit naka-aircon sa loob ay pinagpapawisan siya.
Nagtungo siya sa kanilang boss para magsabi ng alak ng room 103.
"Boss, isang alak pa raw ng room 103." Agad namang kumuha ang ginoo ng Jim Beam at binigay kay Faeleen.
"Paghatid mo dyan Fae, pakilinisan yung ibang room." Utos nito sa dalaga, tumango naman si Faeleen bago talikuran ang ginoo.
"Sir, ito na po yung alak niyo." Inilapag niya na sa mesa, aalis na sana siya pero biglang nagsalita si Holland.
"Anong pangalan mo?" Seryoso niyang tanong. "Pwede bang dito ka muna? Gusto ko lang ng makakausap, babayaran kita kahit magkano." Muli niyang tanong, dahil sa nangangailangan ng pera si Faeleen wala siyang choice kundi pumayag.
Wala namang masama kung sasamahan ko lang siya rito, baka kailangan niya ng makakausap.
Sabi niya sa isipan, ngumiti siya bago sumagot.
"Sige po, ano po ba ang paguusapan natin?" Tanong niya bago umupo sa kabilang sofa.
"Tinatanong kita kung anong pangalan mo, mukhang bata ka pa bakit ka nagtatrabaho sa ganitong lugar?" Pabalik na tanong niya sa dalaga, ngayon lang siya nagkaroon ng interes sa isang babae.
"Fae po ang pangalan ko, twenty three years old na ako. Kayo po anong ginagawa niyo rito? Hindi ka ba hinahanap ng asawa mo?" Pabalik niyang tanong, sanay na siyang makipag-usap dahil may mga customers din sila noon sa dati niyang work na nakikipag-usap sa kanya.
"Siya ang dahilan kung bakit ako nandito." Malungkot niyang sagot, ang mga mata niya kanina na kasing lamig ng yelo ay napalitan ng halo-halong emosyon.
"Ahh, maging matatag po kayo dahil wala namang binibigay na pagsubok ang panginoon ng hindi na lampasan." Pagpapalakas niya ng loob sa lalaking kaharap.
"Nag-aaral ka pa ba? Twenty three ka pa lang kamo." Pag-iiba niya ng usapan, umayos sa pagkakaupo si Faeleen bago sumagot.
"Opo kaya ako nagtatrabaho para makapag-aral." Tipid na sagot niya napatango naman si Holland.
"Bakit sa club mo piniling magtrabaho, maaring isipan ng ibang tao isa kang bayarang babae." Nagkibit balikat si Faeleen, wala na siyang ibang pagpipilian pa.
"Sila lang ang tumanggap sa akin, waitress naman ako rito at alam kong wala mali sa trabaho ko." Diretsong sagot niya, wala na siyang pakialam kung anong isipin ng iba. Kailangan niya ng pera para mabayaran ang kanyang tuition fee.
"Babalik ulit ako bukas, gusto ko ikaw ang mag -hatid sa aking order." Seryosong sabi ng ginoo, walang nagawa si Faeleen kundi tumango na lamang.
"Here, kunin mo ito." Inabot ni Holland ang limang libo sa dalaga, hindi pa sana niya kukunin dahil masyadong malaki.
"Tip ko na ang iba sa'yo dahil sinunod mo lahat ng aking utos." Pagkasabi iyon ni Holland ay tumayo na siya sa kanyang kinauupuan at lumabas ng vip room.
Bago tuluyang lumabas ng club si Holland, lumapit muna siya sa may-ari.
"Ano ang pangalan ng bago mong waitress?" Nagtaka naman ang ginoo dahil sa unang pagkakataon nagtanong 'to.
"Mukhang interesado ka sa bago kong waitress Mr. Quevedo." May pang-aasar niyang sagot, malamig naman siyang tiningnan ni Holland.
"Sabihin mo na Kevin Lawat!" Tawag nito sa buong pangalan niya, mahina namang natawa 'to.
"Faeleen Esguerra ang pangalan niya, nakiusap yung kaibigan niyang magtrabaho rito para makapag-ipon ng pambayad sa kanyang tuition fee. Ano pa bang gusto mong malaman?" Pabirong tanong niya sa kaibigan.
"Siya ang gusto kong mag-hatid ng order ko kada pupunta ako rito." Muli siyang tumawa, lalo namang nainis si Holland.
"Hindi naman pwede 'yon maraming customers dito." Agad niyang sagot.
"Bukas ng umaga baka abo na itong club mo." May pagbabanta niyang sabi bago talikuran ang kaibigan, napailing na lamang si Kevin.
Sumakay na si Holland sa kanyang kotse, kilala siya sa bansa nila bilang isang sikat na businessman. Araw-araw siyang pumupunta rito sa bar kapag walang masyadong trabaho sa kanyang kumpanya.
Kaya siya pumunta ngayon dahil death anniversary ng kanyang asawa, gusto niyang maglibang kahit papano. Anim na taon na 'yung lumipas pero, sariwa pa rin sa kanyang puso kung anong nangyari. Pinatay ang asawa niya, hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy kung sinong nasa likod ng pagpatay.
Kinuha niya yung cellphone para tawagan ang kanyang butler, agad naman itong sumagot.
"Good evening Mr. Quevedo, may kailangan ka ba?" Agad na tanong ng ginoo.
"May ipapagawa ako sayo, gusto kong malaman kung sino si Faeleen Esguerra. May gusto lang akong alamin, dahil may kamukha siyang babae." Seryoso niyang paliwanag sa kanyang butler.
"Sige Mr. Quevedo ako na ang bahala bukas na bukas malalaman muna kung sino siya." Magalang niyang sagot hindi na muling nagsalita si Holland, binaba na niya yung tawag at nag-focus sa pagmamaneho.
Hindi niya maaalala kung sino, familiar siya sa amoy lalo na ang fresh nitong dugo na umaalingasaw sa katawan nito. Mas pinili na lang niyang umalis dahil baka hindi siya makapagpigil, magawa niya ang hindi dapat gawin.
He is a vampire who has been living in the human world for a long time. He has also used many different names so that others will not suspect him. Marami rin siyang mga katulad pero mga hangal ang kanilang kaluluwa. Kumukuha sila ng mga tao para inumin ang dugo at pinapatay, pero siya ay hindi pa nakatikim ng dugo ng mga tao. Dahil dugo ng hayop ang kanyang iniinom, kahit isang beses ay hindi siya nagtangkang tumikim ng dugo ng tao.
Pagdating niya sa penthouse, agad siyang nagtungo ng kusina at kumuha ng beer. Sakto namang tumunog ang kanyang cellphone, tiningnan niya kung sino si Kevin may Message ito sa sss.
Walang pagdadalawang isip na tiningnan niya iyon, napaupo siya dahil sa nakita. Bio-data ni Faeleen ang pinasa ni Kevin.
Napako ang tingin ni Holland sa address ng dalaga. Ilang part-time job na rin ang pinasukan niya, at nag-aaral ito sa paaralang pagmamay-ari ng pamilya ng kanyang asawa.
Tinawagan niya sa cellphone si Kevin, isang ring palang ay sinagot na ng ginoo.
"Para saan ang binigay mong bio-data ng waitress mo?" Malamig niyang tanong.
"Di ba interesado ka sa kanya, yan para makilala mo siya. Pero hindi ka ba nahihiya? Para mo ng anak si Faeleen, alam kong babaero ka pero iba na lang dude." Umigting ang panga ni Holland dahil sa galit.
"Siya lang ang magiging waitress ko dyan sa club mo, wala akong sinabi na liligawan ko siya!" Malamig niyang sagot, wala sa kanyang isip ang bagay na iyon. Nagtataka lang siya bakit sa dami ng pwedeng trabaho sa club pa.
"Ikaw ata yung may balak ligawan si Faeleen, baka nakakalimutan mo Kevin may asawa ka pa!" Pagpapaalala niya tumawa naman ang kaibigan.
"Wala akong balak dude, tumutulong lang ako sa mga nangangailangan. Kung gusto mo pang malaman ang tungkol sa kanya magsabi ka lang. Na-kwento sa akin ni Selene, ulilang lubos na pala ito kaya todo kayod para makapagtapos sa pag-aaral. Sino ba naman ako para ipagkait sa kanya ang makapagtapos diba?" Mahabang kwento ni Kevin sa kanya, pinatayan na niya ito ng tawag dahil umiral na naman yung kadaldalan.
Faeleen Esguerra, ikaw ba yung bata noong gabing iyon? Magulang mo ba ang dalawang taong pinatay nila?
?? ?? ?????????.