π‘ͺ𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 𝑺𝒆𝒗𝒆𝒏: π‘²π’Šπ’π’‚π’•π’Šπ’”

1210 Words
Dahil sa pagod sa trabaho, hindi kumain si Faeleen pagdating sa apartment ni Selene kaninang madaling araw. Sa halip, hinayaan niya ang kanyang kaibigan na magpahinga at matulog sa kabilang silid, dahil ang apartment ay may dalawang silid. Nagulat si Faeleen at biglang bumangon sa kama nang maramdaman niya na parang may humaplos sa kanyang mukha. Nang tumingin siya sa bintana, nakita niyang mataas na ang araw sa langit. Dali-dali siyang bumangon sa kama dahil kailangan na niyang umuwi. Paglabas niya sa silid kung saan siya natulog, kumuha ng papel si Faeleen at nagsulat doon para sa kaibigan. Alam niyang tulog pa ito, maingat siyang lumabas ng apartment ng kaibigan. Pagdating niya sa inuupahan na apartment, bumungad ang seryosong mukha ng tiyahin niya. "Oh mabuti nandito ka na? Siguro naman may dala kang pagkain kanina pa kami naghihintay sayo!" Galit nitong bungad sa kanya, hindi man lang tinanong kung saan siya galing. "Ito po tita, sisig yan at lechon manok." Inabot ni Faeleen yung dala niyang plastic. Hinablot naman ito ng ginang bago tinalikuran ang dalaga. "Addisson, lumabas ka na dyan at kakain na tayo!" Tawag niya sa kanyang anak. "Anong ulam na binili ni Faeleen? Akala ko ba wala siyang trabaho saan kumuha yan ng pambili?" Tanong niya sa kanyang ina bago umupo. "Aba kinamalayan ko dyan, wala akong pakialam kung saan niya kinuha 'tong pambili. Basta may mapakain lang siya sa atin!" Masungit na sagot ng ginang sa anak. "Kahit na galing ito sa nakaw? O di kaya pagbebenta ng kanyang katawan?" Kinabahan naman si Faeleen dahil sa sinabi ng kanyang pinsan. "Duh mommy, huwag mo akong tingnan ng ganyan remember yung kaibigan niyang si Selene if saan siya mag-wowork? No wonder kung saan kinuha ni Faeleen itong pinagbili niya ng foods!" Maarteng paliwanag ng dalaga sa kanyang ina, bago sumandok sa pagkaing binili ni Faeleen. "Hoy Faeleen, saan mo kinuha ang perang pinambiling pagkain?" Galit na tanong ng ginang, matagal bago nakasagot ang dalaga dahil sa kabang nararamdaman. "May bago na po akong part-time job, yung tip na binigay sa akin pinagbili ko ng ulam." Magalang niyang sagot sa tiyahin, wala siyang balak ibigay yung binigay sa kanyang limang libo ni Holland. Dahil balak niya itong i-downpayment sa kanyang tuition fee. Napataas naman ng kilay si Addisson habang ngumunguya. Uminom muna siya ng tubig bago nagsalita. "Really, hindi ito galing sa club? It wouldn't surprise me kung doon ka nagtatrabaho, alam naman natin if gaano kayo kalandi ng nanay mo!" Natatawang pang-aasar at insulto sa kanya ni Addisson. Hindi na lamang nagsalita si Faeleen, huminga na siya sa kanyang kama. Kahit nasasaktan siya sa sinasabi ng mag-ina, hinahayaan na lang niya dahil baka pagtulungan na naman siyang saktan. β€”β€” Si Holland ay matalim na nakatingin sa kanyang butler. Nasa kanya na ang mga dokumento tungkol kay Faeleen Esguerra. Kung si Faeleen talaga ang bata ng gabing iyon, responsibilidad niyang tiyakin ang kaligtasan nito. Hindi dapat malaman ng ibang kalahi niyang buhay si Faeleen. "Anong nalaman mo tungkol sa kanya?" Malamig niyang tanong sa ginoo. "Faeleen Esguerra, isa siyang matalinong estudyante sa pag-aaring paaralan ng iyong asawa. Apo siya ng dating kilalang businessman dito sa bansa nila. Tagapagmana ang kanyang ama, dahil sa nangyaring isang makasalanang gabi nagbago lahat. Nabuntis ng ama ni Faeleen siya ang naging bunga ng gabing iyon. Dalawang taon palang siya namatay sa isang karumaldumal at hindi malamang dahilan ang magulang niya, simula noon kapatid ng kanyang ama na ang nag-aalaga sa kanya. Sabi ng mga kapitbahay nila noon hindi tinuring na pamilya si Faeleen kundi isang katulong, lahat ng gusto niya'y pinaghihirapan muna bago makuha. Ngayon nakatira siya sa isang apartment, kasama ang tiyahin at pinsan niya." Mahabang paliwanag ng kanyang butler, nanatili lang siyang tahimik isa lang ang naalala ni Holland sa batang babae. May balat ito sa dibdib na hugis bituin at malaking nunal sa kanyang talampakan. "Pati ba larawan ng magulang niya may nakuha ka?" Muling tanong ni Holland tumango naman ang ginoo bilang sagot. Nagtataka siya kung bakit inaalam ng binata ang pagkatao ng dalaga. "Mr. Quevedo, ano ba ang kailangan mo sa babaeng 'yan?" Tanong ng butler niya bago i-abot yung brown envelope, kung saan nakalagay ang mga documents at larawan ni Faeleen at magulang ng dalaga. "Wala ito, bumalik ka na sa trabaho mo." Malamig na sagot niya, wala itong nagawa kundi lumabas na sa opisina ni Holland. Binuksan na niya yung brown envelope, copy ng birth certificate ni Faeleen ang una niyang tiningnan. Napatingin siya sa pangalan ng magulang nito, hindi ito pamilyar kaya tinignan na lang niya yung larawan ng mag-asawang Esguerra. Dahil sa luma na ito halos hindi na makilala, umigting ang kanyang panga dahil palpak na naman! Tiningnan niya pa yung ibang larawan, napako ang kanyang tingin sa picture ng isang babae. May kwintas itong suot, hindi rin masyadong makita dahil luma na ang litrato. Tinawagan niya ang kanyang butler para magawan ito ng paraan. Hindi niya pwedeng palampasin ito, matagal na niyang hinahanap ang batang babae. Iyon ang isa sa dahilan kaya siya nandito sa mundo ng mga tao. "Pumasok ka may sasabihin ako sa'yo!" Malamig niyang sabi sa ginoo, agad naman siyang sumunod. Kumatok muna ito sa pintuan bago pinihit yung doorknob. "May problema ba Mr.Quevedo?" Nagtataka na tanong niya kay Holland. "Ano itong mga nakuha mong litrato? Puro walang kwenta basura! Ginagawa mo ba talaga ang trabaho mo? Gawan mo ito ng paraan!" Galit niyang sigaw sa kanyang butler, halos ibato ni Holland ang mga litrato. "Kailangan ko ng mas malinaw pa dyan! Alam mo kung bakit tayo nandito sa mundo ng mga tao! Kailangan ko ng mahanap ang batang iyon!" Muling sigaw niya sa ginoo, nagulat naman ito dahil ilang taon na ang lumipas pero hinahanap pa rin pala ni Holland. "Ang babaeng yan ba ang hinala mo?" Seryoso niyang tanong, nagkibit balikat si Holland. "Paano ko malalaman kung siya nga, puro palpak itong nakuha mong litrato! Ipa-edit mo ang mga 'to, kailangang bukas maayos na iyan!" Turo niya sa mga litratong nagkalat sa sahig. "Wala kang pagsasabihan tungkol dito, tayong dalawa lang ang nakakaalam oras na malaman kong meron pang iba. Wala akong ibang sisisihin kundi ikaw, tandaan mo yan!" May pagbabanta na sabi niya sa kanyang butler, napalunok naman ng sariling laway ang ginoo. "Ipapaayos ko ito sa aking kakilala, babalik ulit ako sa baryo kung saan sila nakatira noon para magtanong pa ng ibang impormasyon." Magalang niyang sabi, kung si Faeleen nga ang bata na iyon kailangan niyang bantayan 'to. "Saka muna gawin iyan, kailangan ko ang mga larawan na hanggang bukas. Kapag siya nga ang batang iyan, saka ka bumalik sa lugar na iyon! Huwag kang papalpak, mahalaga ang trabaho mong 'to!" Mariin niyang sabi, sunod-sunod namang tumango ang ginoo bilang sagot. Takot na lamang niya kay Holland. "Gagawin ko lahat ng aking makakaya para makakuha ng tamang impormasyon." Nagkibit balikat naman si Holland habang seryosong nakatingin sa butler niya. "May isa pa akong ipapagawa sa'yo, bantayan mo ang babaeng yan kailangang alamin mo lahat ng kanyang gagawin o pupuntahan." Hangga't hindi pa siya sigurado kailangan niyang maging mautak. Nasa paligid lang ang mga kalaban, tiyak siyang susugod sila sa ano mang oras. Kaya dapat alerto silang dalawa at maging handa. ?? ?? ?????????.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD