Maaga ulit umalis si Faeleen para pumunta sa apartment ng kaibigan, sabay ulit silang papasok dahil wala pang bagong schedule ang dalaga. Hindi alam ni Faeleen na minamanmanan siya ng kanyang pinsan, dahil sa paghihilala ni addisson kung saan 'to kumukuha ng pera. Ramdam niyang may tinatagong sekreto si Faeleen, hindi ito umuwi kagabi at anong oras na dumating kanina. "Malalaman ko rin ang tinatago mo Faeleen!" Nakangisi niyang sabi habang nakatingin sa traysikel na sinakyan nito. Nang hindi na niya makita ang sinakyan ni Faeleen pumasok na siya sa loob ng kanilang apartment. Sakto naman ang kanyang ina sa sariling kwarto nito. "Nasaan si Faeleen? May iniwan ba siyang pera?" Sunod-sunod niyang tanong sa anak, habang naglalakad papuntang kusina. Napairap naman si Addisson dahil umagang-

