Napatingin si Addison sa pinto dahil bumukas ito, napabalikwas siya ng bangon nang makita ang kanyang boyfriend. Naikuyom ng binata ang kanyang palad dahil sa galit, halos hindi na niya makilala si Addison dahil sa itsura nito. Agad na kinuha ni Addison ang notebook at ballpen para magsulat. Anong ginagawa mo rito? Dapat hindi ka na pumasok dito baka kung ano pang gawin sa'yo. Ibinigay niya yung papel kinuha naman agad ng binata at binasa. "Gusto kitang makausap naguguluhan na ako Addison, ano ba talaga ang nangyayari? Nakirinig ko ang sinabi ng lalaki kagabi, hahayaan ka nilang makatakas ngayon iiwan mo kami dito?" Seryoso niyang tanong sa dalaga, napaiwas naman ng tingin si Addison saka huminga ng malalim. "Ano bang itinatago mo Addison? Sino ang lalaking iyon anong kasalanan mo s

