Nanggigil pa rin si Faeleen kay Holland dahil siya na lang itong hinihintay kaninang madaling araw. Muntik na silang hindi natuloy dahil tinupak si Faeleen, hanggang ngayon ay hindi niya pa rin kinakausap ang ginoo. Napapailing na lang si Lance, hindi na ito magtataka kung kamukha ng tiyuhin niya yung bata. Ang tindi kasing magalit ni Faeleen sa kanya, pero kapag hindi naman nakikita ay hinahanap niya. βHoy kayong dalawa dyan, kanina pa tahimik baka mamaya niyan panis na yang laway niyo!β Sita ni Selene kila Faeleen, inismiran lang siya ng dalaga natawa na lamang ito dahil napaghahalata na ang kanyang kaibigan. Akmang magsasalita sana si Holland pero agad siyang tiningnan ni Faeleen. βHuwag kang magsalita dyan naiirita ako sayo!β Mariin niyang sabi bago tumingin sa labas. Napabuntong

