Tanghali na silang nakarating sa rest house ni Holland, pero problema agad ang bumungad sa kanya. Nagpahinga mo na sila saglit bago kumain, request na ulam ng dalaga ang pinaluto ni Holland. Hindi maiwasang mamangha ng dalawang magkaibigan habang tinitignan ang mga old furnitures na gamit sa bahay ni Holland. βGrabe ibang klase naman ang collection ni Mr. Quevedo.β Manghang sabi ni Selene habang isa-isang tinitignan yung mga naka-display. Mahilig din ang lolo niya na mangulikta ng mga old furnitures. βMiss Faeleen, nakahanda na ang pagkain. Mauna na daw tayong kumain dahil may inaasikaso pa si Mr. Quevedo.β Magalang na sabi ni Butler Randy sa dalaga. Tumango naman si Faeleen bilang sagot, paghatid kasi sa kanila ni Holland lumabas din agad ito ng rest house. Sumunod na silang magkai

