Dahan-dahan na nagmulat ng mata si Faeleen, dahil ramdam niyang may humahalik sa kanyang leeg. Saglit namang huminto si Holland at tumingin kay Faeleen. "Good morning, darling." Paos na boses niyang bati sa dalaga bago muling hinalikan ang leeg ni Faeleen. Napahawak ang dalaga sa kanyang mukha dahil, ramdam niyang pag-init nito at siguradong namumula dahil sa kilig. Huminto sa paghalik si Holland at tumingin kay Faeleen, inalis niya yung kamay na nakatakip sa mukha ng dalaga. "Alis na dyan, pupunta na ako sa banyo." Pagtataboy niya kay Holland, hindi maintindihan ng dalaga kung ano ang kanyang nararamdaman. Naiihi na nasusuka at ewan, dahil ang agang nilalandi siya ni Holland. "Ayoko dito mo na tayo." Parang batang sagot niya, natawa naman si Faeleen dahil hindi niya akalaing may tina

