Matapos nilang mag-dinner, niyaya ni Faeleen si Holland sa labas para maglakad sa tabing ilong. Saktong maliwanag dahil full moon, hila siya ni Faeleen palabas ng cottage kung saan sila magpapalipas ng gabi. Isang malakas na hangin ang sumalubong sa kanila kaya napapikit si Faeleen. "Ang ganda, maliwanag yung paligid." Tuwang-tuwa na sabi niya, ngayon rin balak sabihin ng dalaga ang tungkol sa kanyang sakit pati na rin sa pinagbubuntis niya. "Malamig Faeleen, baka kung magkasakit ka." May pag-aalala na sabi ni Holland sa kanya. "Saglit lang may sasabihin din ako kasi sayo, pero gusto ko maglakad-lakad mo na tayo." Nakangiti niyang sagot, bago hinila si Holland. "Pwede mo namang sabihin sa loob, bakit dito pa?" Muling angal niya, napanguso ang dalaga napabuntong hininga si Holland bak

