Nagpupumiglas si Addison habang galit na nakatingin sa mga tauhan ni Holland. Nanggagalaiti sa galit si Addison dahil naisahan pala siya ni Holland. Nagulat na lang siya may grupo ng bampira ang sumugod sa kanya. Dahil sa nanghihina pa siya dahil sa pagkakasakal ni Holland kanina. Hindi agad nakakilos para lumaban, dahilan para siya ay makuha ng mga bampira. "Bitawan niyo ako mga bwisit kayo!" Sigaw niya habang nagpupumiglas niyang. Maanyong lobo na sana ito ngunit hindi natuloy dahil maya matulis nabagay na nakatusok sa kanyang leeg. "Oh bakit hindi mo isaksak ng mapagalitan ka ni Holland!" Paghahamon niya sa lalaki, mahina naman itong tumawa. "Kung ano sayo tumigil ka na, dahil wala kang mapapala kapag nanlaban ka pa." Banta sa kanya ng isang bampira bago itinulak sa isang bodega.

