Nagaapoy sa galit ang mga mata ni Holland habang nakatingin kay Addison. Ramdam naman ng dalaga, pero baliwala lang yon sa kanya. Kailangan niyang mapaalis si Holland para mapadali ang plano niyang pagkuha kay Faeleen. "Mukhang hindi ako welcome dito Faeleen, ayaw atang nandito ako ng boyfriend mo." Pag-iinarte ni Addison, tumingin naman ang dalaga kay Holland umayos ito sa pagkakaupo. "Welcome ka rito, hayaan mo siya saka hindi ko boyfriend si Holland. Kumain ka na ba? Alam na ba ng daddy mong napatay na si iyong mama?" Sunod-sunod na tanong niya habang pinapatahan di Addison. Umiling naman ito bilang sagot. "Hindi pa alam ni daddy, at wala akong balak sabihin dahil may babae pala siya. Iyon pala ang dahilan bakit hindi na ito nagpapakita sa amin. Bakit ganito ang nangyari ito na ba yu

