Matapos kumain na magkaibigan ay bumalik na sila sa apartment ni Faeleen. Pagpasok nila ay wala si Holland sa may sala, umupo silang dalawa sa isang sofa. "Ang sarap talaga ng paninda ni Aling Marites, kahit na chismisa siya." Natatawa na sabi ni Selene habang hinahaplos ang kanyang tyan. "Uy baka mamaya may makarinig sayo isumbong ka." Sita ni Faeleen sa kaibigan dahil wala na namang preno yung bibig nito. "Oh bakit nagsasabi lang naman ako ng totoo." Pangangatwiran niya sa kaibigan. "Ano palang balak malapit na birthday mo 'di ba?" Tanong ni Selene habang nilalaro ang kanyang buhok. "Wala dito lang ako, baka busy ka sa araw na iyon if hindi edi puntahan mo ako dito kain na lang tayo sa labas." Nakangiti niyang sagot, napanguso naman si Selene dahil hindi talaga mahilig ang kaibigan

