Hindi mapakali si Faeleen, kanina pa palakad-lakad ang dalaga. May gusto siyang kainin pero nahihiya 'tong magsabi kay Holland. Simula kasi kahapon hindi niya ito pinapansin, nakokonsensya tuloy siya baka maghinala na dahil iba ang kanyang kinikulos. Napatingin siya sa pinto dahil may kumatok, agad na lumapit doon si Faeelen. Pagbukas niya'y mukha agad ni Holland ang bumungad sa kanya. "Beshy!" Masiglang tawag ni Selene sa kanya, nakangiti ito habang nasa likuran ng ginoo. Agad na pumasok ang kanyang kaibigan at sinarado yung pinto. "Bruha, may sinabi si Boss huwag ka na raw papasok sa work. Magpagaling ka muna, kapag okay na ang iyong lagay bukas naman yung club para sayo." Seryoso na sabi ni Selene sa kanya. "Pero kailangan ko ng trabaho, baka wala na akong pambayad dito sa apartmen

