Kiro Maaga ako nagising para sa araw na ‘to. Dito pa nga ako natulog sa bahay namin para matupad ko ang aking plano. Hindi ko sinabi kay Wade na sa kasal ako nina gwen at Quin pupunta. Alam ko na he will be mad about it. Ang sabi ko naman kay Mama, may aasikasuhin lang ako malapit dito sa amin. Isa pa, gustong-gusto naman niya na nandito ako kaya wala na rin siyang pakialam kung ano ang gagawin ko eh. Ang importante lang sa kanya ay nakikita niya ako. Habang nakain kaming dalawa ay hindi naiwasan ni Mama ang magtanong sa akin tungkol sa kasal nina Quin at Gwen. Alam niya rin kasi na kasal ngayon noong dalawa eh. “Alam mo na ‘yong nasa balita? Nabalita pala na bakla si Quin eh. May nagpakalat daw,” sabi ni Mama sa akin. “Bakit? Hindi ba totoo, Mama? Bakla naman talaga siya, hindi lang p

