Quin “W-What are you saying? K-Kailan mo pa nalaman?” gulat na gulat na tanong ko. “It happened when Sharlene and Marissa saw you in a restaurant. Sinabi nila sa akin iyon with evidence. Simula noon, hinintay ko na sabihin mo sa akin ang totoo pero hindi mo ginawa. Now, I’m giving you all the time you need to explain to me everything,” sagot naman niya sa akin. “Teka, bakit hinayaan mo lang ako all this time? I mean, hindi ko naman hinihingi sa iyo na magalit sa akin pero bakit hindi ko man lang naramdaman na alam mo ang totoo?” pagtatakang tanong ko sa kanya. “Actually, iyon din naman ang tanong ko sa sarili ko eh. Bakit hindi ako nagalit? Bakit hindi kita kinompronta agad? Siguro, ang sagot doon ay mahal talaga kita. Aaminin ko, sobrang sakit para sa akin noon nung nalaman ko ang kat

