Miel Pagod na pagod kami ni Gwen kaya naisipan naming dalawa na mag-movie night. She bought snacks and drinks for us two. Sa totoo lang, sobrang saya ko dahil malapit na ang kasal niya. Finally, all those hard work will pay off. Habang nanunuod kami ng movie, nagsalita siya. Uminom muna ako ng beer bago sumagot. “A-Ah, Miel. Di ba gusto mong malaman kung ano ‘yong sinasabi kong sikreto nina Quin at Kiro?” tanong niya sa akin. Nagulat ako sa tanong niya. Ang alam ko kasi ay wala lang nang sobrang pagkalasing niya noon. “Oh, akala ko ba hindi totoo iyon? Sabi mo ah,” sagot ko. “Ah, totoo iyon. May sikreto silang dalawa na recently ko lang rin nalaman dahil sinabi sa akin ni Sharlene at Marissa,” sabi naman niya. Takang-taka tuloy ako kung ano ‘yong sikretong sinasabi niya sa akin ngay

