Gwen Nagising na lang rin ako dahil sa init ng araw mula sa aking bintana. Dahan-dahan ko pang binuksan ang mga mata ko. Napahawak naman agad ako sa ulo ko dahil sa sakit nito. “Ouch! Nakakahilo,” sabi ko, babangon na sana ako nang makita ko ang isang note sa side table ko. It’s a letter from Quin. Text me if you’re okay na ha? Lasing na lasing ka kagabi, love. Ano bang naisip mo at uminom ka ng ganoon kadami ha? Anyways, I love you. See you tomorrow! Umiling-iling naman ako dahil sa nabasa ko. Saan siya kumukuha ng loob para tawagin akong love? Wala eh, sobrang sakit pa rin noong nalaman ko. Hindi ko na nga rin alam kung itutuloy ko pa ang plano kong bilugin siya para maging tunay na lalaki siya. Bumaba na ako mula sa kwarto, Nakita ko si Manang Sol na naghahanda ng almusal. Agad ko

