Kiro Simula noong sinamahan ako ni Wade sa sadness ko, lagi na kami ang magkasama. Lagi pa nga akong pumupunta sa kanila. Kita ko naman na sobrang tuwang-tuwaa siya dahil doon. Ngayon ay kinukuha ko na ang gamit ko dito sa bahay dahil doon na nga muna ako titira sa kanila. Kapag nandito kasi ako, naalala ko lang si Quin. At hindi iyon nakakatulong sa pagmo=move on ko. Habang naglalagay ako ng damit sa bag ay biglang pumasok si Mama sa aking kwarto. Noong tumingin ako sa kanya ay kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Agad ko siyang tinanong kung ano ang problema niya. Halos tatlong araw na din kasi akong wala dito sa bahay. Nakaka-usap ko naman siya via call pero iba pa rin kasi ‘yong nagkikita kami nang personal ni Mama. “Oh, Mama. Bakit ganyan ang tingin mo sa akin? May problema ka b

