Quin Ilang araw na ang nakalipas nang mag-away kaming dalawa ni Kiro. Mukhang handa na talaga kami pareho na iwan ang isa’t isa. Hindi na kasi kami nag-uusap simula noon. Wala na rin akong balita sa kanya dahil I blocked him on social media. For peace of mind na rin for me. I focused sa wedding namin ni Gwen. Naisip ko na itutuloy ko na lang pala ito kaysa sabihin pa sa kanya ang totoo. Wala na rin namang saysay kung sasabihin ko pa sa kanya eh wala naman na kami ni Kiro eh. I know she deserves the truth pero hindi ko na rin kaya pang saktan siya. Ngayon ay pumunta ako sa bahay ni Gwen dahil may aasikasuhin kami para sa wedding. I’m trying to love her now, ‘yong totoo na pagmamahal sa babae. Iniisip ko kasi na baka naman may chance na maging kami sa huli. Pwede naman akong magbago, susu

