LEONARDO RILEY REECE POINT OF VIEW "Boss, mukhang matigas talaga ang ulo ng manager dito sa bar," bulong sa akin ni Oliver, ang aking kanang kamay. "Hayaan mo lang. Makukuha rin natin ang babaeng 'yan… at gagamitin natin siya sa lahat ng posibleng paraan," sagot ko, hindi inaalis ang tingin ko sa manager ng bar. Nakatuon ang atensyon nito sa lalaking nagpe-perform sa stage, halatang aliw na aliw. Biglang sumulpot si Austin, humihingal at halatang nagmamadali. "Boss, may meeting daw po kayo kay Mr. Del Rey." Mabigat akong bumuntong-hininga bago tumayo at lumabas ng bar. "Oliver," utos ko bago tuluyang umalis, "bumalik ka sa loob. Bantayan mong mabuti si Serona. Tiyakin mong walang ibang lalaking makakalapit o makakahawak sa kanya." Habang papalabas ako ng bar, ramdam ko ang bigat ng

