SERONA POINT OF VIEW "Rona, pwede bang sumama ka muna sa bar na pinagtatrabahuhan ko ngayong gabi?" tanong ni Yllah habang parehong abala kami sa pag-aayos para sa kanya-kanyang trabaho. Alas-singko pa lang ng hapon, pero dahil manager ako sa bar, kailangan kong pumasok nang maaga para mamonitor ang tauhan ko. Habang kinukulot ko ang buhok ko sa harap ng salamin, naramdaman ko ang pagsusumamo sa boses ni Yllah. "Hindi pwede, Yllah. Alam mo namang manager ako doon, at may trabaho rin ako," sagot ko, hindi man lang nilingon ang kaibigan kong halatang may binabalak. "Sige na, Rona! Saglit lang, mga trenta minutos lang naman! Ipapakilala ko lang sa'yo yung poging dancer namin doon!" aniya, sabay kembot at kilig na parang high school girl na may crush. Napairap ako habang patuloy sa pagku

