SERONA POINT OF VIEW Nagising ako sa malakas na tunog na parang may sumasabog sa tenga ko. Pagmulat ng mata ko, tumambad sa akin si Yllah, may hawak na dalawang takip ng kaldero at walang pakundangang pinagbabangga ang mga iyon. "Inis na inis ko siyang tiningnan. "Ano bang problema mo?" reklamo ko habang kinakalikot ang tenga ko. Pakiramdam ko, umaalingawngaw pa rin sa loob ng utak ko ang ingay na ginawa niya. Napangisi lang siya, halatang tuwang-tuwa sa pang-iinis niya. "Eh kasi ayaw mong magising. Kesa buhusan kita ng tubig, mas mabuti na 'yung ganito. At least hindi ka nalunod, 'di ba?" sagot niya na may kasamang pagtaas ng kilay. Muntik na akong mapamura. "Bakit ba ang hilig mong manggising nang ganito kaaga? Alas-kuwatro na ako nakauwi kagabi, tapos alas-siyete pa lang binubulabo

