"Binabati kita mahal na prinsesa. Masaya ako para sa 'yo," sabi ni Dolly kay Meriyah habang nakaharap siya sa salamin at sinusuklay ang mahaba niyang buhok. "Maraming salamat Dolly," sagot ni Meriyah sa kanyang kaibigan ngunit kapansin-pansin sa mahal na prinsesa ang kalungkutan. "Mawalang galang na Prinsesa Meriyah, ngunit bakit tila yata hindi masaya ang inyong mukha?" hindi talaga mapigilan ng isdang si Dolly ang kanyang bibig lalo na kung nais niya talaga malaman ang isang bagay. Hindi siya titigil hangga't hindi niya nalalaman ang kasagutan sa mga katanungan niya. Mabuti na lamang at sanay na si Meriyah sa kaibigan niyang gold fish. "Hindi mo po ba gusto na ikaw ang magmamana ng trono ng iyong ama?" dagdag na tanong pa ni Dolly sa mahal na prinsesa. "Hindi ako malungkot dahil ako

