"Kamusta ang pagsasanay ni Prinsesa Meriyah para sa araw na ito?" tanong ni Haring Arthur kay Heneral Fin na nagbabantay sa pagsasanay ng prinsesa habang kasama ang guro nito. "Maayos naman po kasalukuyan niyang kasama si Gurong Soleida," sagot naman ng heneral. "Huwag mo na masyado isipin ang pagsasanay ng ating anak, aking kamahalan," malumanay na wika ni Reyna Varakuda habang nakaupo sila sa kanilang trono. "Malaki na rin naman ngayon si Prinsesa Meriyah at kaya na niya ang kanyang sarili. Siya ang tagapagmana hindi ba? Kailangan matutunan niya ding ipagtanggol ang sarili niya na wala ang tulong mo." "Ngunit---" "Tama po ang sinabi ni Reyna Varakuda, Haring Arthur," nakayukong wika ni Heneral Fin at agad na humingi ng patawad dahil pinutol nito ang sasabihin sana ng hari upang suman

