Chapter 1: The School Nerd
BIANCA MARIE ALVARES
Hi! I am Bianca Marie Alvares, for short "Bianca" na lang. Nagaaral ako sa St. Vincent University, well sinasabi ko na sa inyo na hindi ako ganun kagandahan dahil hindi ako mahilig magayos. Sabi ng mga kaibigan ko e gaganda naman daw ako kung matututo ako magayos ng sarili. Wala kasi akong oras sa mga ganyang bagay, ang gusto ko lang gawin ay magbasa, magaral, magbasa at magaral.
Yan lang ang alam kong gawin sa buong buhay ko, ang MAG-ARAL. Hindi din ako mahilig magparty o di kaya ang MAKIPAGDATE.
Ewan ko ba kung bakit ayokong gumawa ng mga bagay na sabi ng iba e nakakapagpasaya sa kanila. Para kasi sakin, importante ang pagaaral, gusto ko kasing makatulong kila Mama at Papa dahil na din sa naghihirap kami sa buhay. Nagsisikap silang pagaralin ako sa isang University, ewan ko ba kila Mama at doon ako pinagaral. Hay.
Pero dahil sila ang nagpaparal sa akin, syempre ako naman tong walang choice diba? Sino ba ako para mamili pa ng School na papasukan ko? Isang malaking buntong hininga na lang. HAY.
****
Papasok na ako sa school, dahan dahan akong naglakad paroon sa pinto, napahintoa ako ng tawagin ako ni Mama para magalmusal.
"Hep! Hep! Maria! Kumain ka! Aba naman tatakas ka nanaman at magdadahilang malelate ka nanaman sa klase, kumuha ka dito ng isang pirasong pandesal. Kaya ang payat payat mo." Pagalit na sabi ni Mama sakin.
Lumingon ako sa direksyon ni Mama at bigla akong natawa sa nabungaran ko,
Paano ba naman nakapameywang pa na parang model ang peg niya. Kwento kasi sakin ni mama ay dati daw siyang Beauty Queen noong kabataan niya, wait! Sa nakikita ko kasi ngayon? Saan banda? HAHAHA. Natatawa nalang ako.
Palapit ako sa mesa nang nakapout ang lips ko, paano ba naman kasi e malelate na ako sa klase ko. Si Mama kasi e. Huhuhu.
"Ma naman, alam mo nama----" hindi na niya ako pinatapos at agad akong sinabalan sa pagsasalita.
"Hep! Hep! Maria! Kumain ka ng pandesal dyan! Ako nang bahala sa prof mo mamaya. HAHAHA." natatawa pa itong si Mama sa mga pinagsasabi niya. Nababaliw na po ba ang Nanay ko? Hahay.
"At Ma? Ano naman ang gagawin mo Aber?" habang nakain ng pandesal.
"Aba syempre! Kikindatan ko lang ang prof mo anak, tiyak na papapasukin ka na nun." Habang nag popose pa si Mama. Nako nako ang Mama kong cute magreact HAHA.
"HAHAHA. Osiya Ma, tama na yan, at baka hindi na nga ako papasukin sa Klase. At Ma! Babae po ang prof ko ngayog umaga at hindi Lalaki." natatawa kong sabi sa kanya. Nako hindi ako makakapasok kung hindi pa ako aalis sa bahay.
Bitbit ang bag at mga ilang libro ko ay chineck ko muna ang itsura ko sa salamin. Mukhang okay naman.
****
Mga ilang minutong byahe pa ay nakarating na ako sa School.
Teka teka kanina pa ako pinagtitinginan ng mga tao ah? Mabaho ba ako? Inamoy amoy ko pa ang kili kili ko. Hmmm? Mabango naman? Ano kayang problema?
Nakita ako nila Jobelle at Fatty. Short for Fatima. Hihi secret lang natin yun ah?
"Hoy Maria! Bakit ka ba nandyan? Alam mo bang late na tayo at nakatulala ka pa riyan? Ano bang problema mo?" painis na tanong ni Jobelle sa akin.
"Paano kasi, kanina pa ako pinagtitinginan ng mga tao, ano bang problema sa mukha ko?" bahagyang tanong ko at aktong napatawa sila at eto pa! Pinagbubulungan pa ako ng dalawa.
"Amp!" halatang nagpipigil pa ng tawa.
"Aba't ano bang pagpipigil yang ginagawa nyo? Sige na tumawa na kayo! Nahiya pa kayo!" painis na sabi ko sa kanila..
Aktong nagkatinginan pa ang dalawa at sabay napahalakhak ng tawa.
"Hahahahahaha! Ano ba naman kasi yan Bianca! Papasok ka na nga lang sa school may ipot ka pa ng Manok sa ulo mo!" tawang tawa pa ng sabihin sa akin ni Jobelle. Aba ito naman si Fatty, habang tumatawa kumakain pa! Naman oh.
"Huh?! Teka saan?!" nagulat ako sa sinabi niya. Teka? Kinapa ko ang ulo ko at ayon! Tentenen! May ipot nga! Punyeta!
Agad agad akong pumunta ng CR at agad kong tinangal ang ipot.
Pagkatapos matanggal ng ipot sa buhok ko ay napatingin ako sa salamin, tinignan ko ng mariin ang sarili ko at aktong napayuko nalang ako.
"Bakit kaya ang malas ng araw na ito para sa akin?" at isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko.