BIANCA MARIE ALVAREZ Matapos ng mala surprise na apology flash mob nitong si Mokong (Rizz) ay nagdaan pa ang mga araw na magkasama kami. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip at puso ko pati na ata ang kaluluwa ko upang mapaibig ako ng mokong na ito na akbay akbay ako papalakad sa School grounds. "Nagugutom ako." Asik ni Rizz out of nowhere. Hindi ko alam ngunit this past few days madalas na siyang magutom at mayamot. Hindi kaya buntis itong mokong na ito? Humarap ako sa kanya at padabog na inalis ang pagkakaakbay niya sakin dahilan upang mapatingin siya sakin na parang gulat na gulat. Sinimangutan ko siya at aktong nag cross arms ako sa harap niya "Hoy! Buntis ka ba? Ha? Kasi pansin ko nitong mga nakaraang araw ay palagi ka ng gutom?!" Halos mainis na sabi ko sa kanya. "H---ha?!!!

