BIANCA MARIE ALVAREZ Ilang araw nalang pala ay prom night na. Medyo kinakabahan na ako dahil hindi ko alam ang isusuot ko at the same time ay ang magiging itsura ko. Dumaan din ang ilang araw na medyo nakakaramdam ako ng ilang kay Carlo Ray. Ewan ko ba, kung dati rati ay maagap akong kiligin sa kanya ngayon ay madalang nalang, lalo na kapag pasimple niya akong kikindatan o di kaya ay aakbayan. Medyo naiirita na nga ako minsan sa ginagawa niya dahil hindi naman ako sanay na ganoon ang pakikitungo sa akin ng mga manliligaw ko. Nagkaroon ako minsan ng manliligaw pero hindi siya ganito katulad ni Carlo Ray na sobra na ang pagka clingy. Si Rizz naman ay napapansin ko na pasimple din ang sulyap sa akin. Pero kabaligtaran ng nararamdaman ko kay Carlo Ray, imbes na mairita ako e kinikilig pa a

