Chapter 4: Heart beat

961 Words
RIZZA SANDOVAL Pagpatak ng Alas dose ay agad namang nagring ang bell, hudyat iyon na labasan na ng mga estudyante. Habang nagaayos ako ng mga gamit ko ay agad naman akong tinanong ng mga kaibigan ko kung saan ang gimik namin. "Rizz, saan tayo tonight? I mean, it's been a very long time since we had some fun. You know what I mean?" sabi ni quennie in "maarte" way. "Hmm... you guys if you wanna have some fun tonight, go. I'm not in the mood." walang ganang sabi ko sa kanila while packing my bag. "Rizz? Are you okay? It feels like you're not." malambing na sabi n Pat. Letseng babae to, hindi ko alam kung may gusto ito sa akin. Minsan panay ang dikit, minsan naman ay mailap. Hayy napabuntong hininga na lamang ako. **** Habang naglalakad ay nilagay ko ang Beats headset ko at nagumpisang magpatugtog. Nilagay ko ang mga kamay ko sa bulsa ng Varsity Jacket ko saka dinama ang kantang tumutugtog sa headset ko. Papunta ako ng parking ngayon at may napansin akong tumatakbong babae, mabilis siyang kumaripas ng takbo habang may nakasunod siyang lalaki. Hindi ko na sila pinansin at bumalik nalang ako sa direksyon ng dinadaanan ko. Habang papalapit ako ng papalapit sa kotse ko ay may napansin akong dumaan, tatlong babae sila at may mga salamin. Teka? Si Bianca ba yung isa? Hala! Ang lapit na nila sa kotse ko, s**t ano gagawin ko? Ito nanaman yung puso ko. Sh*t hala. Hinawakan ko ang kaliwang dibdib ko at ramdam ko ang pagtibok ng puso ko. Nang makatago ako sa gilid ng kotse ko ay palihim akong lumilingon sa direksyon nila. Nang bigla nalang tumingin sa direksyon ko si Bianca ay agad akong nagtago. Mas triple pa ang naramdaman kong kaba. Ano ba naman ito! Narinig ko na may pinaguusapan sila. "Maria, sana sakin mo nalang binigay yung chance na yun."sabi nung isa niyang kasama kaya agad kong inangat ng konti ang ulo ko para makita si Bianca. Sh*t nakakatulala ang ganda niya hindi man iyon kapansin pansin para sa iba pero para sa akin. SOBRANG GANDA NIYA. ---- Bianca's POV Palabas na kami ng room, nagaya na sila Fatty at Jobelle na kumain. Habang naglalakad sa hallway ay may biglang humarang sa dinaraanan namin. Si Carlo Ray, ang gwapong nakabangga ko kanina. "Hey, Bianca." sambit niya na habang nakatitig sa akin. "A-ah.. Ahh Hi." s**t. I know, I know, I look weird right now. "Amm... kasi ano e." bigla siyang napaiwas ng tingin sa akin at aktong nagkamot ng ulo. Gad, ang hot niyaaaaaa. O.O "Ano ba yun?" akmang tanong ko sa kanya. "Ah eh, yayain sana kitang lumabas mamaya?" what? Did he just inviting me in to a date? Kinikilig ako pero, amm Bianca. Wag muna. "Amm... madami kasi kaming gagawin ngayon, diba? Jobelle?" aktong napatingin ako sa kanila ng may panlalaki sa aking mga mata na naghuhudyat sa kanila na sakyan ang sinasabi ko. "Amm.. Ah eh oo Mr. Pogi e." hay. Salamat nakalusot ako. "Ah eh ganoon ba? Baka pwede namang mahingi number mo?" ano bianc's ibibigay mo o hindi? Gad kasi naman ang gwapo e. Argh. "Ah e si-sige." at aktong kinuha ko ang tinkler ko at doon ko isinulat ang number ko. Pagkatapos kong isulat ay ipinilas ko ang kapirasong papel at iniabot iyon sa kanyang mga palad. "Salamat, amm I'm gonna call or text you nalang siguro kapag may free time ka." at aktong nagsmile naman siya, may dimples siya! Ang gwapooo. >_"Maria, ako nalang ang itulak mo kay Carlo Ray kung ayaw mo sakanya!" at nakapout pa ang Gaga. Hay nako Jobelle. Tsk. "Hoy Jobelle, sinasabi ko sayo, pumapasok tayo sa school para magaral hindi para LUMANDI!" nakapamewang kong sabi. Habang nakatitig kay Jobelle ay may napansin ako sa bandang kanan ko na tumitingin. Hmm. Tumingin ako sa direksyon na iyon. Nakita ko ang isang mukha, hindi siya buo dahil halatang nagtatago ito sa dilaw na sasakyan. "Shhhh..." sabi ko dun sa dalawa. Aktong dahan dahan akong pumaroon sa gilid ng sasakyan. Pagtingin ko ay bumungad sa akin ang isang Magandang babae. Puma-maywang ako. *Clearing my Throat* "At Anong ginagawa mo riyan?" habang mariing nakatitig sa kanya. Teka? Parang namumukhaan ko siya? Aktong inayos ko ang salamin ko ng mas makita ko siya ng maayos. "IKAW?!" pasigaw kong sabi, dahilan para magulat siya at mapatitig sa aking mga mata. Nang magkatitigan kami, ay bigla na lang akong nakaramdam ng kung ano sa aking puso. Bumibilis ito ng bumibilis lalo na kapag nakikita ko siyang nakatitig sa akin. Kakaiba ang mga matang iyon sa tanang buhay ko, hindi pa ako nakaramdam ng ganito sa ibang tao. Ano bang mayroon ka? At ganito nalang ang pagtibok ng puso ko sayo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD