RIZZA SANDOVAL Maghapon akong tengga dito sa school grounds, hindi ko alam ang gagawin, naiinis na nga ako kasi bakit ganoon? Ni isang text from her wala akong nareceive. Nateteary eye na ako. Mantakin mo, si Rizza Sandoval iiyak nanaman para sa isang babae! For a second time. Nang biglang may magsalita sa tabi ko. Paglingon ko si Queenie pala. "Oh? Mukheng iiyak ka na ah? Anyare?" tanong nito at as usual in 'maarte way' niya sinabi. "I was about to cry kaya lang, dumating ka kaya natawa nalang ako. HAHAHA." at bahagyang mapatawa kami pareho sa sinabi kong iyon. "Ikaw talaga, kahit kailan ha di ka pa den nagbabago." sabi nito habang nagrerecover sa kakatawa. "Monthsary namin ni Bianca and yet, ni wala man lang siyang iniwang text message sa'kin." malungkot kong pahayag sa kanya.

