Ang buong akala ni Rain ay gano'n na naman ang magiging activity nila ni Damien buong araw ngunit nagulat siya nang magising siyang wala ito sa kaniyang tabi upang gisingin siya ng nakakakiliting halik ng asawa Napakunot ang kaniyang noo nang mapatingin sa kanilang wall clock. Gano'n na lang ang panlalaki ng kaniyang mga mata nang makitang mag-a-alas otso na pala ng maaga. Kaya naman ay dali dali niyang pinulot ang mga nagkalat niyang damit sa sahig at nagmadaling isinuot iyon bago nagpasyang lumabas ng kwarto at bumaba. Hindi niya man lang namalayang tumunog ang kaniyang alarm clock. At wala pa siya nakapagluto ng makakain nilang mag-asawa. Siguro ay masiyado lang siya nitong pinagod kahapon sa kanilang buong araw na lato lato. Nang makarating siya sa kusina ay gano'n na lang ang ka

