PROLOGUE
Ikinalat ni Rain ang kaniyang mga gamit na nasa harapan ng kaniyang salamin nang makita nito ang ipinadalang invitation ng isasagawang engagement party nina Damien at Rika.
Hindi ito ma tanggap ni Rain kaya ganoon nalang ang kaniyang paghihinagpis nang malaman niyang ikakasal na pala ang lalaking halos buong buhay niya nang palihim na minamahal.
"Why not me?" Malakas na sigaw niya rito habang nakatingin sa mga larawan ng binatang naka dikit sa buong pader ng kaniyang kwarto.
"Hindi ko kayang tanggapin! I know I'm selfish. Pero hindi ko kayang magpakasal ka sa iba!" Malakas na ani nito at pinagtatagal ang mga naka-dikit na mga larawan na naroon.
Tila isa siyang die hard fan sa ginagawa niyang kabaliwan. Natatawa nalang siya at naawa sa kaniyang sariling hindi niya na rin maintindihan. At ang tangging alam niya lang ay masakit. Masakit pala kahit na nakapaghanda na siya na darating ang araw na nagkakaroon na nang isang pamilya ang lalaking minamahal niya. Ngunit hindi niya inaasahang napaka-aga naman mangyayari iyon.
"Blag. Blag. Blag." Napalingon siya sa gawing pintuan nang malakas itong kinakalampag ng kaniyang kuya na tila ba gusto itong sirain.
Halos ilang araw na kasi siyang nagkukulong sa kaniyang kwarto at hinahatiran lang siya ng pagkain sa tapat ng kaniyang pinto.
"Rain open the door!" Sigaw ng kaniyang kuya Rex mula sa labas ng kaniyang silid.
"Baby, open the door please!" Pagmamakaawa nang kaniyang ina.
"Just leave me alone!" Pasigaw na ani niya. Mukhang napalakas ata ang pagwawala niya ngayon dahil na alarma na ang mga taong nasa labas.
Ngunit hindi siya nito pinakinggan at mas lumakas ang kalabog ng pinto. Kaya naman bago pa man masira ng kaniyang nakakatandang kapatid ang kaniyang pintuan ay mabilis niya nang kinuha ang haninang hawak niyang maliit na kutsiyo at pumwesto sa bandang head board ng kaniyang higaan.
"Kung hindi lang din naman magiging akin si Damien mabuti pang mamatay lang ako." Mahinang wika niya nang hiwain niya ng matalim na kutsiyo ang kaniyang palapuluhan. Halos mapadaing siya sa sakit.
Napalingon naman siya nang marahas na binuksan ang pintuan ng kaniyang silid ngunit huli na. Unti-unti nang dumidilim ang kaniyang paningin.
"Rain!!!" Sigaw nang kaniyang kapatid nang makita ang kaniyang dumudugong pulso.
Unti-unting iminulat ni Rain ang kaniyang paningin. Ang puting kisame agad ng kaniyang private room sa ospital ang agad na bumungad sa kaniya.
"Hah, w-where am I?" Mahina niyang wika na tila tangging siya ang ang nakakarinig.
"Rain! My God! You're finally woke up!" Tila stress na stress na wika nang kaniyang kuya Rex nang bumungad ito sa kaniya.
Sumunod naman ang kaniyang ina mabilis na yumakap sa kanya. "Thank you lord. My baby is finally awake." Maluha luhang wika ng kaniyang ina.
"Mom, bakit ako nandito?" Nagtatakang wika niya habang minamasdan ang kaniyang buong paligid.
"Naglaslas ka lang naman dahil sa lalaking 'yun!" Asik ng kaniyang ama. At saka niya lang napagtanto ang bendang nakabalit sa kaniyang kanang pala pulsuhan.
"Anak what happened? Bakit ka ba nagkakaganyan?" Malambing at nag-aalalang wika nang kaniyang ina habang hinihimas himas ang kaniyang buhok.
"I-Im s-sorry mommy, I just can't accept it." Maluha luhang wika niya nang maalala niya ang huling nangyari bago siya napunta sa ospital. "I can't, I love him." Muling ani niya.
"Pero anak---" hindi na ito pinatapos magsalita nang kaniyang ama.
"Kung si Damien ang dahilan ng pagwawala mo ay sinasabi ko sayong itigil mo na ang kahibangan mo! Ikakasal na ang tao! Mag move-on ka na! Hindi lang siya ang lalaki sa mundo." Mariing sigaw ng kaniyang ama sa kaniyang harapan.
"Hector tama na. Kakagising palang ng anak mo. Hindi mo ba nakikitang sobrang depress na niya. At hindi pa maganda ang pakiramdam niya haggang ngayon." Pang-aawat naman ng kaniyang ina.
"Ayan! Yan na ang napapala niya dahil sa pagiging spoiled brat niya! Mashado ka kasing konsintidor!" Galit na galit na wika nito sa kaniyang ina. Wala namang nagawa si Rain kundi ang umiyak.
"Dad, I'm sorry. I just love him." Umiiyak na ani nito sa kaniya.
"Bahala na kayo dyan." Inis na wika nito at pabalang na binuksan at isinara ang pinto ng kaniyang room.
Isang malalim namang buntong hininga ang pinakawalan ni Rex bago ito nagsalita.
"Rain, You still have a time to fix yourself. It's not the end. Gusto mo bang makita na nilang nagkakaganyan ka? Knowing na alam ni Rika na patay na patay ka sa boyfriend niya. Siguradong pinagtatawanan ka na nun kapag nalaman niya ang nangyaring ito sayo." Mahinahong ani sa kaniya ng kaniyang kuya Red. Habang si Rain naman ay tahimik lang na nakikinig rito.
"Fix yourself, and show them that you were not affected. And you were still fine." Ani nito sa kaniya.
"Thank you kuya," mahina niyang wika at mapait na nguniti sa kapatid.
"And mom, for all the troubles and for being selfish. I'll try to forget him." Malungkot na ani nito sa kanila.
"Yeah, Dad was right. Hindi lang naman si Damien ang lalaki sa mundo." Muli niyang wika.