CHAPTER 9: Friends With A Bully

1045 Words
Lakad takbo ang ginawa ni Rain dahil ilang minuto na lang ay mapapagsarahan na siya ng pinto sa una nilanh subject sa umaga. Kahit ang aga-aga niyang gumising para mag-prepare ng kanilang agahan at baon ay hindi parin ata siya makaka-abot sa saktong oras ng kanilang klase. Paano ba naman kasi, ang buong akala niya ay susunduin siya ni Dana. Ngunit huli niya nang nabasa ang text nito dahil pinalinis pa siya ni Damien sa buong mansion. "Hoy, wala ka bang sasakyan. Tumatakbo kang mukhang timang dyan!" Ani ng isang pamilyar na boses sa kaniyang likuran. Nang lingunin niya ito ay nakita ni si Kyle na sakay ng motor nito. "Shut up!" Inis na ani niya at mas binilisan pa ang pagtakbo. Sira na nga ang araw niya, mas dinagdagan pa ng isang siraulong nasa likuran niya. "Haha, ang dali mo namang magalit. To naman, parang di tayo classmate simula kinder." Natatawang wika nito at pinatakbo ang motor hanggang sa kaniyang unahan kaya naman napahinto si Rain dahil hinarangan nito ang kaniyang dinaraanan. "Angkas na," ani nito sa kaniya. "Magkano ang pamasahe?" Tanong niya rito. "Wala akong sinabi, sabi ko lang angkas na." Ani nito at pinagpag ang upuan na nasa kaniyang likuran. Tila nagdadalawang isip parin si Rain kung iga-grab niya ba ang chance na makasakay sa motor nito? Dahil pagod na siyang tumakbo at medyo malayo pa ang department nila mula sa gate ng university. Kasi naman, sa dami ng ka-klase niyang mag-o-ofer ng sakay sa kaniya ay si Kyle pa na bully niya simula elementary. Na walang ginawa kundi ang kuhaan siya ng baon at bwesitin siya sa buong buhay niya. "No thanks," ani niya at nilagpasan ito. "Iniisip mo parin ba na kukuhaan kita ng baon o gamit mo?" Natatawang ani nito sa kaniya at sinabayan siya nito sa paglalakad sa mahinang patakbo ng motor. "Five minutes na lang oh. Mala-late na tayo. Isipin mo ito yung bayad ng kinuha ko sayong papel last week." Ani nito sa kaniya na ikinalingon naman ni Rain at sinamaan ito ng tingin. "Sabi na nga bang ikaw ang salarin, hayop ka." Inis na ani ni Rain at naningkit ang kaniyang mga matang tinitigan ito. Tumawa lang ito na parang timang. "Haha, minsan lang ako magiging mabait. Sakay na," ani nito sa kaniya. Kahit napipilitan ay sumabay na si Rain at umangkas sa binata. Dahil male-late na talaga siya at mapapagsarahan ng pinto ng kanilang classroom. At ang masaklap pa ay mahihintay siya ng dalawang oras sa labas bago matapos ang klase para sa susunod na subject. Ayaw niya namang magmukhang tanga na nag-aantay ng kung anong himala sa labas. Idagdag pa ng init ng panahon kahit na umaga pa lang. "Himala ata ah?" Ani ni Rain nang makasakay ito. Mabilis namang pina-andar ni Kyle ang kaniyang motor kaya naman ay napakapit si Rain sa kaniya. "Huwag ka namang chansing dyan. Nakikisakay ka na nga lang e." Pabirong wika nito sa kaniya habang patawa tawa pa. Kaya naman ay nakatikim ito ng kurot mula kay Rain. "Bwesit ka, ba't naman kasi di ka agad nagsasabi. Wala pa nga ako naka pwesto ng maayos." Ani ni Rain rito at mas kumapit ng mahigpit sa binata dahil sa bilis nitong magpatakbo. At idagdag pa rito na hindi siya sanay na sumakay sa ganoong klaseng sasakyan. "Hay salamat nakarating din ng buhay." Ani ni Rain nang nakababa ito sa motor ni Kyle. "First time mo ata makasakay ng motor rich girl." Natatawang ani ni Kyle rito. "Heh, tumigil ka nga dyan. Anyway, salamat pala. Una na ako." Ani ni Rain at tumakbo na papasok sa kanilang building. Ayaw niya kasing may makakitang magkasama sila ni Kyle. Baka isipin pa ng mga ito na magkasintahan sila. Ngunit bago siya nagtungo sa kanilang classroom ay dumaan na muna siya sa comfort room para mag-ayos. At tulad nga ng inaasahan ay magulo na ang kaniyang buhok dahil sa bilis ng patakbo ng binata at buti na lang ay hindi na ganoon kabasa ang kaniyang blouse dahil natuyo na ito ng hangin. Nag lagay lang siya ng kaunting pulbo upong maging fresh ng kaunti ang kaniyang pagmumukhang nahaggard na bago nagpasyang pumunta ng kanilang silid. Naningkit ang kaniyang paningin nang makita niya si Dana na naka-upo sa parteng unahan. At sakto namang wala pa ang kanilang professor kaya naman sinakal niya ito ng patalikod. "Kala ko nagkasakit ka kaya di mo ako nasundo!" Inis na ani niya sa kaibigan. "Ahhh!!! Hinayupak ka Rainnn! Lemme explainnnn!" Ani nito kaya tinigil niya ang kaniyang ginagawa baka malagutan niya pa ng hininga ang kaibigan. Napapa-ubo naman ito na tila kinakapos ng hininga. Nagkibit balikat naman si Rain at tinaasan ito ng kilay, nag-aantay kung anong sasabihing palusot ng kaibigan. "Kanina, dinaanan kita sa bahay niyo pero di ako tumuloy kasi nandoon si Damien sa harapan. Kaya nag text nalang ako sayo. Kasi baka ihahatid ka niya." Mahinang ani nito sa kaniya lalo na sa pagbanggin ng pangalan ng kanyang asawa. "Actually, hindi niya ako hinatid. Tumakbo ako hanggang sa makarating dito." Inis na ani ni Rain at naupo sa mesa ni Dana. "Hah, tinakbo mo hanggang dito?!" Hindi makapaniwalang wika ni Dana at talagang nilakasan pa ang kaniyang boses sa sobrang gulat at inis dahil hindi niya ine-expect na hindi nito inihatid ang kaibigan. "Kahit pamasahe di ka binigyan? Pwede ko ba siyang bugbogin?" Inis na inis na wika ni Dana. "Buti nalang meron akong knight and shining armor ni Rain." Ani ni Kyle at kumindat pa kay Dana bago naupo sa kaniyang silya. Naka nganga naman si Dana na tila na intriga at nalito sa narinig. "Did I just hear it right?" Ani niya kay Rain at itinuro si Kyle. Napairap naman si Rain bago sumagot "Buti na lang tinopak ang frenemies mo. Pina-angkas ako. Bayad sa isang yellow pad na kinuha niya sa akin last week." Ani ni Rain. "Himala?" Hindi makapaniwalang ani ni Dana. "Eh, wala nga yang ibang ginawa simula elementary hanggang ngayon kundi mambwesit sa ating lahat." Mahinang wika ni Dana at bumulong sa kaniya. "Hayaan mo na, baka naman nagbago na. O talagang ganyan na ang nature niya." Ani ni Rain sa kaibigan. Sakto namang dumating na ang kanilang professor kaya naman ay nagsibalikan na sila sa kanilang upuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD