Nagmumukmok lang si Rain sa gilid ng bintana ng kanilang silid aralan. Habang hinihintay ng kanilang susunod na subject teacher. Kasalukuyan pa kasi siyang nag-aaral sa Sky University sa kursong Hospitality Management. Pangarap niya kasing magtabaho sa hotel and resort na pagmamay-ari ni Damien. At ang mga pangarap niyang iyon ay unti-unti niya nang naabot. Dahil sa nangyaring one night stand sa pagitan nilang dalawa.
Nang maalala iyon ni Rain ay hindi niya maiwasang hindi mapangiti sa kawalan. Hindi niya inaasahang ang isang Damien Clifton na isang multi-billionare, bachelor, and one of the youngest business man sa buong bansa ay magiging asawa niya na sa susunod na lingo.
At ang mas nakakapagbigay kilig pa sa kaniya ay maalala ang manga nakikiliting halik nito at ang maiinit nitong mga haplos.
"Hoy engrata! Pa ngiti-ngiti ka dyan na parang timang. Gumising ka nga! Nag-iimagine ka na naman sa love of your life mo e. Mamaya mo na yan ipagpatuloy. Kasi may chika ako." Malakas na sigaw ni Dana nang makalapit ito sa kaniya na siyang nagpabalik kay Rain sa lumilipad niyang diwa.
"Ano na naman ba iyon? Ang ganda ganda ng araw ko sinisira mo lang e." Iritang wika sa kaniya ni Rain habang nakasimangot pa at matalim na tumingin sa kaibigan.
"Girl alam mo na ba na kalat na sa buong social media ang issue about sa hiwalayan ng ultimate crush mong si Damien at ang 5 years girlfriend nitong si Rika?" Pangbabalita nito sa kaniya. Hindi na rin nagulat pa si Rain nang malaman na ito ng buong media dahil sa rami ba namang naka-saksi sa pangyayaring iyon.
Ngunit biglang lumaki ang kaniyang mga mata nang maalala ang mga eksenang nadatnan silang dalawa ng kaniyang kuya, nang kaniyang ina, at ng iba pang mga marites sa katabing guest rooms.
"A-ano pa? May iba ka pa bang nasagap?" Kinakabahang ani nito sa kaibigan.
"Hmm... Oo, at ikakasal na rin siya sa ibang babae. Nag-break ang dalawa dahil alam mo naman ang mga mayayaman mahilig sa fix mirrage kasi ang balita nila ay kabilang sa mayamang pamilya rin ang babae." Ani nito sa kaniya.
"Wala na bang iba?" Nagtatakang tanong niya.
"Wala na, iyon lang ang nandoon at wala nang iba. Di ko nga alam ba't parang ang tahimik naman ng break-up ng dalawa. Wala rin naman silang inilabas na mga parinigan ng saloobin nila sa mga i********: at twitter o kung ano anong account meron sila kaya nagtataka na rin ang ilang mga marites." Mahabang paliwanag nito sa kaniya.
Naka-hinga naman ng maluwang si Rain nang malamang hindi inilabas ng mga naka-saksi ang kanilang nakita noong engagement party ng mga ito. Mabuti na lamang ay nagawang ayusin ito ng ama ni Damien na si Mr. Clifton.
"Oh, ba't parang di ka ata nagulat?" Nagtatakang tanong ni Dana sa kaniyang kaibigan. "Ah, alam ko na. 24/7 ka siguro nag-aabang sa balita about sa ultimate crush mo ano. Sinasabi ko na nga bang ultimate stalker din itong kaibigan ko e." Ani nito sa kaniya. Dahil ito ang unang pagkakataon na hindi siya na-i-intriga sa chismis na ipinarating nito sa kaniya.
"Dana," tawag nito sa kaibigan na siyang naka-kuha ng pansin nito. "Oh ano?" Supladang sagot nito.
"Maniniwala ka bang kung sasabihin kung...." Mahinang bulong nito sa kaibigan. "Kung ako ang babaeng ipapakasa kay Damien." Ani nito, ngunit tinaasan lang siya ng kilay ng kaibigan.
"Alam kong baliw na baliw ka sa kaniya girl. Pero naman, tigil tigilan mo na muna ang kakaimagine mo sa kaniya. Lumalala ka na e." Ani nito kaya naman ay nakatikim ito ng kurot sa tenga.
"Hina hinaan mo nga ang boses mo. Totoo nga." Ani nito at nagpakawala ng buntong hininga bago inilabas ang invitation na nasa kaniyang bag.
"Oh wag ka na magtaka. Ikaw na nga ang maid of honor ko oh. At saka secret weeding ito at limited lang ang invited na mga tao. Kasi nga, I'm still studying at mashado ring magugulat ang madla kapag sinabi niya ritong ako ang magiging asawa niya." Ani nito sa kaniya at ipinakita pa ang ibang mga pictures nito kasama si Damien.
"Oh sige na naniniwala na ako. Pero nalilito parin ako kung paano at bakit ikaw?" Nagtatakang wika ng kaibigan.
"Mahabang kwento. Pero ang importante ay ako ang kaniyang Bride at hindi si Rika. At isa pa, nag-break sila dahil may ibang lalaki si Rika while they were still dating." Ani nito sa kaibigan.
Nang dumating na ang kanilang professor ay mabilis namang umalis si Dana at bumalik sa kaniyang upuan.
Napatingin si Rain sa kaniyang bag nang mag ring ang kaniyang cellphone. Palihim niya itong binuksan at nagpipi-pindot upang hindi mapansin nang kanilang professor.
From unknown number
Nangunot ang kaniyang noo nang makita kung sino ang nagtext. Kaka-unti lang kasi ang nakakaalam ng kaniyang phone number at hindi naman siya nagbibigay nito sa kahit na sino.
Nang buksan niya ito ganun nalang ang gulat niya nang mabasa ang mesahe nito sa kaniya.
I'll fetch you up later
-Damien
Halos mapanganga siya nang makita ang pangalan ni Damien. Hindi siya makapaniwalang susunduin siya ng kaniyang fiance. Hindi naman mapigilan ni Rain ang kiligin sa simpleng text nito sa kaniya.
"Pst... Anong ngini-ngiti mo dyan? Mukha kang timang." Pang-aasar ng kaniyang katabing si Kyle. Ito ang kaniyang ultimate bwesit na nakakasira ng bawat araw niya. Wala na itong ginawa kundi ang magpapansin at mang-asar sa kaniya. Kahit pa kapatid ito ng isa sa barkada ng kaniyang kuya at matagal niya na itong kakilala ay hindi niya ito ganoon ka close.
"Mind your own business." Ani ni Rain rito at muling tumingin sa kaniyang phone upang hindi masira ni Kyle ang kaniyang magandang araw.
"Maam si Rain nagse-cellphone habang nagka-klase." Sumbong nito na parang elementary student.
"What the fuck." Bulong nito sa kaniya at binato ang binata ng habang nitong kumpol ng papel.
"Miss Suzzane, Please answer the problem on the board." Ani ng kaniyang guro kaya naman ay padabong na tumayo si Rain at binatukan muna ang binata bago ito naglakad patungo sa harapan.