Wala namang choice si Savanah kundi hayaan na lamang si Lesley sa unit niya dahil nasanay na rin naman siya na nandoon palagi sa kaniya room lalo na kapag bagong dating ito sa isang bakasyon o hindi kaya sa schedule ng kaniyang shoot. Minsan ay nanghihinayanang si Savanah at napapatanong kung bakit niya binigay ang passcode ng pinto ng unit niya kay Lesley kaya naman lagi na lamang ito na nasa loob ng kaniyang bahay o hindi kaya minsan na lamang ito na susulpot sa pwesto niya. Nais din naman niya na nandoon si Lesley ngunit minsan ay gusto na lamang niya na ikulong ang kaibigan niya upang tumigil na ito sa pag sunod nang sunod sa kaniya. Hindi rin naman na ibig sabihin ni Savanah na hindi niya gusto na nandoon lagi si Lesley sa unit niya, ang dahilan lamang niya ay dahil sa asaran nila da

