Hindi naman alam ni Savanah kung magiging masaya siya sa mga nangyayari ngayon ngunit sinunod na lang niya ang sinabi ni Caleb dito at agad na sinunod ang lalaki sa loob ng sasakyan nito. Ngayon na lang din naka sakay si Savanah kasama si Caleb dahil minsan na nga lang ito namamansin ay hindi pa naman siya nito nilalaanan ng atensyon at mabuti na lamang iyon dahil iyon na lang din ang dahilan kung bakit patuloy pa rin si Savanah sa pag sayang ng kaniyang oras kay Caleb. Pag pasok ni Savanah sa loob ng sasakyan ni Caleb ay napansin talaga nya kaagad ang kaparehas ng amoy at set up ng sasakyan ni Caleb na kaparehas din sa personality nito. Halos lahat ng gamit at buong design ng sasakyan ay mga itim na gayang gaya talaga sa kung anong meron si Caleb. "Sir, thank you po sa pag papasakay sa

