Maagang bumalik sila Savanah at si Caleb ng Pilipinas nang sumunod na araw pagkatapos ng party na iyon. Parang ganoon pa rin naman na bumalik sa dati ang lahat ng kanilang sitwasyon na hindi namamansin si Caleb sa buong oras ng trabaho, nasa loob man ng laboratory o hindi kaya kahit sa labas ng trabaho ay hindi pa rin naman ito namamansi. Binanewala na lang din naman ito ni Savanah dahil wala rin naman siyang may magagawa kahit anong pangungulit niya kay Caleb ay ganoon pa rin naman ang mangyayari. Nasa kalagitnaan din naman sila Savanah at si Georgia nang pag uusap sa lobby sa labas ng laboratory nang bigla na lamang sumulpot doon si Caleb na dala dala nito ang kaniyang laptop at sabay na lumapit lay Georgia at may binulong ito. Nanatili lang din naman si Savanah sa kaniyang inuupuan hab

