52: Not So Good Buong gabing event ay nakatutok lamang ang mga ng lalaking nakilala kanina ni Savanah sa loob ng party. Tingin nang tingin ito kay Savanah matapos nilang mag usap kanina at hindi manlang matanggal tanggal ang kaniyang paningin mula kay Savanah. Sa isang table naman malapit sa isang malaking fountain ay naka upo si Savanah kasama doon si Caleb na tahimik lang din naman na pinapanuod ang mga tao sa paligid. Naisipan din ni Savanah na wag na lang din muna uminom dahil sa rason na uunahin na niya muna ang kapakanan ni Caleb dahil ito rin naman ngayon ang kaniyang trabaho. Tahimik lang din naman si Caleb sa tabi niya at maya maya ay kumukuha siya ng tingin dito na paniguradong mahuhuli ni Caleb dahil nasa gilid lang din naman niya si Savanah kaya sinigurado rin naman ng baba

