43: Are You Deaf? Pagdating nila Savanah sa harap ng isang mamahalin na restaurant, bababa na sana ito nang makita niyang bumaba rin naman sila Caleb at si Georgia sa kabilang sasakyan. Huminga nang malalim si Savanah dahil sa kaba na nararamdaman dahil may kliyente na naman silang makakasalubong sa linggo na iyon. Hinihiling din naman niya na sana ay mapabuti agad ang kanilang kontrata dito at hindi niya rin naman kailangan na kabahan pa dahil kasama niya rin naman sila Caleb at si Georgia sa trabahong iyon. Hindi lang din sigurado si Savanah kung sino ang naging client nila na sinasabi ni Jerry ngunit alam niyang kapag inatasan na ng CEO ang anak niyang si Caleb na ito ang makikipag kita sa clients nila ay siguradong isa itong impluwensyadong tao o hindi kaya sadyang pinag kakatiwalaan

