44. It Could’ve Been Easier Naging tahimik ang buong loob ng elevator habang nakasakay sila Savanah at si Caleb sa loob. Nasa isip pa rin naman ni Savanah ang tungkol sa kagabi at balak din naman niya na itanong ang ilan sa mga nalalaman niya kahapon ngunit baka magalit na naman ang lalaki sa kaniya. Napag isip isip din naman ni Savanah na kung hahayaan lang niya na lumipas iyon ay baka pag sisihan pa niyang hindi kaagad sinabi kay Caleb. "Ah by the way, sir. Kahapon pala about sa inutos mo sa akin, nag ask ako kay Dan na trabahador doon eh wala rin naman daw silang alam na naging ganon yung last batch ng wine na na deliver nila at sa tingin daw nila sa machine raw yon pero mostly naman naagapan din naman kaagas yung sira doon. Matagal na rin naman daw sila pinatigil ng CEO sa pag operat

